MAY DINAANAN DIN pala ang Concert King na si Martin Nievera when he was just about 19 and many things have been happening na with his life, dahil nagsisimula na siyang umakyat to where he’s gone now. Naisip din pala nito ang mag-suicide or kill himself (parental guidance is advised!)
Naipagtapat ito ni Martin sa panayam sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa “The Bottomline” noong Sabado nang gabi. Pero ang maganda nga raw roon, napaligiran si Martin ng mga taong hindi pinalobo ang ego niya o pinalaki ang ulo niya. Kaya, he stayed grounded.
Sa kabuuan ng panayam ni Martin, masasabing mellowed na ang seasoned performer. Dahil kung muli nga raw ipakakanta sa kanya ngayon ang mga pinasikat na piyesa, kakantahin niya ito nang malumanay na malumanay at hindi na ‘yung nagsisisigaw siya. Gaya ng “Be My Lady” at “Kahit Isang Saglit”, na muling maririnig sa pakikipag-back-to-back niya sa Side A sa 11-11-11 sa Smart Araneta sa “Allfor1”.
The Madman. Mr. Bigmouth. Minsan, the Blabber. Ilan lang ‘yan sa mga naging bansag sa Concert King dahil na rin sa pagiging open nito sa kanyang mga opinion at mga sagot sa kahit na ano pa ang itanong sa kanya.
Kaya nga nang hingin ang opinion niya kung ano ang masa-sabi niya na hindi siya nabanggit ni Lea Salonga sa listahan nito ng mga gifted Filipino interpreters or artists, na he was left out, simple lang ang sagot ni Martin. “I didn’t know about that list. She is entitled to her own opinion. Maybe I belong to another list. Maybe the best interpreter.”
Inamin din nitong sumulat siya kay Ellen Degeneres para mai-guest sa programa nito. At very humbly, nasabi niya’ng lumampas na ang panahon niya na gaya ng nangyari kina Charice Pempengco at Arnel Pineda to get that known, kaya nilakasan niya ang loob at nagbakasakali.
Ano nga ba naman ang mawawala kung up to now, umasam pa rin ang isang gaya niya ng international recognition?
MAGRE-REMINISCE DIN AT babalik sa dekada ’80 ang anim na artist na sina Juan Miguel Salvador, Gino Padilla, Chad Borja, Lou Bonnevie, Jamie Rivera at Ella Mae Saison.
Tumatak na sa isip at puso ng mga Pinoy ang nai-contribute nila sa larangan ng musika sa sari-sariling estilo sa pagkanta, kung saan hindi lang sumikat at bumenta ang kanilang mga albums kundi naging klasiko na rin at patuloy pa ring inaawit ang mga piyesa nila. Kaya, para mas ma-kilala ng henerasyon ngayon, tatlong gabi nilang aaliwin ang mga manonood sa Music Museum (November 11, 18 and 19 at 9 p.m.) sa pamamagitan ng “80289: 80s Music To The Max”, kung saan mahigit 60 kanta nila ang mapakikinggan ng mga manonood.
Nagkaroon ng thyroid cancer si Chad kaya napilitan itong talikuran ang pag-kanta. At nanatili na lang sa bayan nito sa Cebu kasama ang pa-milya. Afterwhich, nagkaroon siya ng furniture business sa Davao. Nga-yong gumaling na siya at sinabihan ng doctor niya na p’wede na siyang kumanta uli, blessing ang pagdating ng nasabing concert sa kanyang pagbabalik.
Mas gusto pa rin daw ni Juan Miguel, na kasamang nakilala ang Rage Band na manatili behind the scenes, pero sa pagkakataong ito eh, sasalang sa entablado dahil sa reunion with his fellow artists.
The rest-manaka-naka pa rin nating nakikita sa sari-saring shows and gigs at may mga album pa rin. At si Lou naman ang nagpapakana ng mga Earth Jams every now and then. Sa Amerika man naka-base si Ella Mae, kapag may ganitong pagkakataon eh, umuuwi siya sa bansa. At si Gino, kahit na tatay ni Josh (ng ‘Bagets’) na ang tawag sa kanya, enjoy pa ring balik-balikan ang panahon nila.
The Pillar
by Pilar Mateo