NILAPITAN PO ako ng pastor namin at inalok niya akong magtrabaho sa US. Nang sabihin kong madalas na akong ma-deny sa visa application, sinabi niyang tiyak na akong mabibigyan ng visa dahil papasok ako na gamit ang religious worker visa. Wala raw po siyang si-singiling anuman. ‘Di po ba delikado ito? — Mercy ng Tuguegarao City
PAG-ARALAN MONG mabuti ‘yan. Kung talagang papupuntahin ka roon para tumulong sa gawaing pangsimbahan, okey lang ‘yan. Pero wala bang iba na kasamahan mo sa simbahan na talagang magtatrabaho para sa inyong church? Parang hindi magandang tingnan na gagamitin ang religious worker visa para lang maaprubahan ang visa application mo sa abroad.
Isa pa, madalas na rin kaming makatanggap ng ulat na nagagamit ang ganitong uri ng visa para sa human trafficking. Pangkaraniwan, pagdating nila sa abroad, sila ay pinagtatrabaho sa kung saan-saang employer na ‘di makatao ang kalagayan sa paggawa. Hindi nagamit ang visa ayon sa orihinal na layunin nito — ang magpalaganap ng pananampalataya.
Naku nakareserba ang pinakamainit na lugar sa impiyerno para sa mga taong ginagamit ang panga-lan ng simbahan para sa mga kriminal na gawain.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo