PARANG HINDI tama yong nangyari. Ang tinutukoy ko ay ang rebelasyon ni John Rendez na nang pinahiya ng dati niyang misis si Nora Aunor sa publiko at iniskandalo ay hiniwalayan niya ito.
Ikaw ang asawa, ikaw ang may karapatan. Kahit saan mo man tingnan, lala-king may-asawa na ayaw pa ring tigilan. Kahit sinong babae, mag-aalburoto. Mali. Tingin ng marami, homewrecker si Nora. Alam niya na may asawa na si John, kung bakit ayaw pa niyang tigilan.
Itanggi man na may relasyon sila o wala, mali pa rin. Ikaw ang panggulo sa relasyon ng mag-asawa na alam mong gumegewang na.
Kaya nga nang mag-guest nang live si Guy sa The Buzz at ininterbyu siya one on one ni Boy Abunda, inamin ni Nora ang pangyayari.
Itanong mo kahit kanino, basta may asawa na, dapat off limits ka na. Ikaw na mas nakatatanda, ikaw na mas nakaiintind, ikaw na ang dapat nasabi na tigilan na o umiwas ka na. Si Guy na sana ang nagsabi kay John na huwag na.
Relasyon man or whatever you call it, mahal man nila ang isa’t isa o naggagamitan lang, may mga taong nasagasaan. May mga anak na lumaki na wala nang kinagisnang ama.
Kailangan pa bang ipagmalaki ‘yun ni John na hiniwalayan niya ang misis niya? I find it stupid para ipangalandakan na between your nagging wife and Nora, mas pinili mo si Guy kaysa sa ayusin mo ang pagsasama n’yo ng misis mo.
Kahit saan mo man tignang angulo ay mali. Si Nora ang naninra. Siya ang homewrecker.
Sa presscon ‘yun ng CD ni John nagsimula ang kuwento na inayunan naman ng mga Panjee Gonzales (read: fan na naging reporters) ang kuwento ng rapper. Kuwento ng mga naroroon sa presscon, buong galak pa raw ibinida ni John sa press people ang pangyayari at pinalakpakan pa ng mga “hunghang” na reporters.
Tama ba ‘yun? Alam mo na may asawa ka na, ayaw mo pa ring tigilan. What I mean is, ang affiliation ng pangalan ni John kay Guy. Kahit noon pang nasa Amerika si Nora, ang tutoo, hindi tumigil ang tsismis. Hinayaan silang dalawa na magsama (huwag na kasing i-deny), pakialam naman natin. Wala na tayong pakialam kung ano man ang itawag nila sa “friendship” nilang ito.
Ang mahalaga, pagbali-baliktarin man, si Nora ang third party sa nasirang relasyon ni John at ng misis niya.
LAST WEDNESDAY, nang mag-promote si John sa online radio show ni Ogie Diaz, Rommel Placente at Fernan de Guzman, kasama niya ang 16 years old daughter niya.
How time flies.
I LOVE Mario Mauer. Love ko siya when I saw his gay themed film The Love of Siam. He played the role of Tong a teenager who fell in love with his childhood friend na isa rin guwaping.
Fresh looking ang itsura ni Mario. Guwaping. Pantasya siya ng nakararaming mga teenagers lalo na ng mga Thai.
The fact na it was a gay film, ini-expect na namin na may kissing scene si Mario with his co-star and a bed scene. It’s a decent gay film. Hindi lang basta-basta pelikulang kabaklaan.
Sa mga gay chat room namin nalaman ang The Love of Siam.
No wonder walang masculine effect sa Pinay teens si Mario. Hindi rin ako nagtaka at hindi na-play-up ng Star Cinema ang love angle between Mario and Erich Gonzales sa kanilang pelikulang Suddenly It’s Magic.
Ang alam ko, Mario is gay friendly tulad ng pahayag niya sa kanyang interview with Korina Sanchez sa radio show nito sa DZMM.
Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa tsismis about Mario’s masculinity or sexual preference, I know he has a girlfriend na isa ring modelo tulad niya.
As far as I know, in Thai culture, lalo na sa big cities like Bangkok, Patthaya and Chiang Mai, gay love is tolerated.
Sa dinami-rami ba naman ng mga gay entertainment & leisure fun para sa gay market, Thailand is the gay capital in Asia.
Reyted K
By RK VillaCorta