HINDI sa kung ano pa man na rason, masasabi ko na mapapalad pa rin marahil tayo na kahit sa kahirapan ng buhay at kabi-kabilang pagsubok ay nalalagpasan pa rin natin ang mga ito sa buhay natin.
Mapalad tayo dahil kahit sa kakulangang pinansyal ay nakakaahon tayo . Para nga tayo mga Kris Aquino na kahit ano man dumadarating sa atin, keri natin makipagsabayan, maungusan at makipaglaban na sa bandang huli, tayo pa rin ang winner.
Kung mahina ka, malamang uurung ka sa kaliwa’t kanan na dagok sa buhay.
Biruan nga ng mga bekis, hindi ka Kris Aquino. Wala kang charm at magic ng isang Kris Aquino, ika nga.
Survivor kasi si Kris. Hindi nagagapi. Hindi magpapagapi. Parang beki na palaban sa kahit ano mang pagsubok.
Tulad halimbawa sa isyung pangkalusugan niya na dahil madali siya maapektuhan dahil sa kanyang allergy, ang hirap nun. Ang buong paligid niya, lalo pa nagtatrabaho siya ay dapat dus-free para sigurado. Sa lenguwaheng simple lang, dapat walang dumi. Hindi maalikabot dahil kapag hindi, malaki ang pagkakataon na baka madedo siya kapag inatake ng kanyang sakit.
May problemang malaki ng Queen of All Media pagdating sa usaping ito. Noong nag-shooting siya ng isang endorsement niya sa Indonesia, inatake siya ng kanyang allergy (para sa simpleng termino) na nagkaroon ng emergency evacuation na isinagawa para maibalik siya sa Pinas via ng isang private plane sa tulong ng isang non-showbiz at non-political na kaibigan.
For the first time, ipinakita ni Tetay sa publiko ang naturang epekto sa katawan niya ng kanyang allergy na dahil puno ng pasa at rashes na kakaiba ang buong katawan niya because of such health problem concerning her imunity ay maaawa ka kay Kris.
Malaking epekto ito kay Kris bilang isang ina na aminin man niya o hindi, nagiging sagabal ito sa responsibilidad niya sa pagaaruga ng kanyang dalawang anak.
Imbis siya ang mag-aalaga, sina Bimby at Josh pa ang nagaalaga sa kanya.
Sa kanyang recent IG post, isinulat ni Kris ang isang mensahe na natutungkol sa anak na si Bimby.
Ika niya: ”This is a post written for no other reason than the belief that the TRUTH SETS US FREE.
“It’s an unfair world when an 11-year-old feels he needs to be the protector & guardian of secrets for his mama… someone no longer in our lives had told Bimb that if our endorsements knew the extent of his mama’s health worries, she’d lose her contracts.
“At that time, we had no definitive prognosis BUT i know many of you, my followers are in the medical field & all pictures in the video i edited are from August to December 2018. It’s Christmas, i pray you’ll be kind.
“I did this because i don’t want those working in KCAP, our personal staff, and my siblings & my sons to be burdened by what is primarily my battle. Trust me when i say thanks to my team of doctors the bad days are fewer, but unfortunately this is a progressive illness. I shall emphasize God blessed us that i had an early diagnosis, others aren’t as fortunate and only know what’s wrong when organs have irreversible damage.
“All my organs are still okay. But the last picture with no hives but with the severe flush in my face states volumes for people familiar with autoimmune disease,” sinulat ni Kris sa kanyang account.”
Pagpapatuloy niya: “What has changed in me is that i’ve stopped being angry that this had to happen because i am thankful it isn’t rheumatoid arthritis which i would never have survived.
“My doctors have reassured me for as long as i am obedient about taking all my medication, religious about not exceeding my allowed work hours, and choosing our shoot locations carefully i can still look forward to a fulfilling life.
Pagpapatuloy pa ng Queen of All Media sa kayang mensahe: ”To quote Charles Dickens “It was the best of times, it was the worst of times, it was the age of wisdom, it was the age of foolishness, it was the epoch of belief, it was the epoch of incredulity, it was the season of Light, it was the season of Darkness, it was the spring of hope, it was the winter of despair…” I choose to see 2018 as the year i defined who i am & what i’m made of.
“Because through it all, my heart still found a way to say- i trust You, i love You, i am grateful to You, my Lord & Savior. Merry Christmas & God bless you all.”
Sa ganang akin, iba ka nga Kris. Bilib ako sa lakas ng loob mo na hindi ka dali-dali sumusuko at nagagapi na marahil ito rin ang dahilan kung bakit ang mga trials na dumadaan sa buhay mo ay pak na pak na kering keri mo dahil alam ng nasa Itaas na matapang ka at keri mo. Dadaan lang ang mga ito na may solusyon ka sa mga intriga at pagsubok na hindi ka matatalo at basta-basta maguguho sa kinalalagyan mo.
Kung susumahin, ang tibay mo ‘teh. Sa sangkaterbang pagsubok sa buhay mo ay malalampasan mo pa rin.
Nitong Christmas, sa paborito nina Bimby at Josh, ang Tokyo, Japan sila nag-celebrate ng Pasko.
Sa kaalaman ko, before the New Year ang balik nila mag-ina. Pero ang pinauna ni Tetay pinauwi ay ang dalawang anak yesterday para umabot sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Pinas at si Kristeta ay nagpaiwan at sumumpong ang sakit na naman.
Yes, ready na ang Queen of All Media humarap sa mga bagong pagsubok sa kanya sa pagbabalik-Pinas niya.
Merry Christmas Tetay and a Happy New Year 2019. God Bless you Kris. Madami ang nagmamahal at sumusuporta sa yo Teh kaya nothing to worry.
Reyted K
By RK Villacorta