KAHIT SIKAT AT KUMIKITA NA… KIM CHIU, MAS PINAHALAGAHAN PA RIN ANG EDUKASYON

AFTER WINNING THE Pinoy Big Brother 1st Teen Edition, Kim Chiu has decided to temporarily stop going to school because of her numerous showbiz commitments and to help her family. Magtatapos na sana siya ng high school nung panahong iyon.

Alam ni Kim ang kahalagahan ng edukasyon at dahil dito ay nagsikap siyang ipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral by enrolling in an alternative school. At kamakailan lang ay nagbunga na rin sa wakas ang lahat ng kanyang sakripisyo at pagsisikap because she graduated from high school.

Hindi biro sa kaso ni Kim ang makapagtapos ng pag-aaral dahil sa kaliwa’t kanan niyang projects sa showbiz. Parang nabunutan ng tinik si Kim dahil sa kabila ng kanyang mga pagod at puyat ay nairaos niya ang kanyang inaasam na high school diploma.

Sa kanyang graduation speech sa Folk Arts Theater, naging emosyonal si Kim, “Lagi na-ting tandaan na ang kahalagahan ng buhay ay hindi lang natin mararating sa ating sarili. Libre pong mangarap, kaya sa lahat ng may gustong abutin sa buhay, isipin na lang po natin na hindi imposibleng mangarap. Katulad ko, nangarap ako na magtapos ng pag-aaral, kaya, congratulations sa ating lahat.”

Tama si Kim. Libre at hindi masama ang mangarap, pero kailangang lakipan ang bawat pangarap ng pagsisikap, sakripisyo at walang patid na dasal sa Diyos para hindi ito manati-ling isang pangarap lang.

May gustong patunayan si Kim, kaya gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral. “’Pag artista ka, easy money, kaya hindi na sila nag-aaral. Sinasabi ang bobo, walang pinag-aralan, pero ako, gusto kong ipakita na nag-aaral din naman kami at gusto din na-ming mag-aral para hindi mababa ang tingin sa amin sa larangan ng education.

“May mga pangarap din kami na makapagtapos. Education, ‘yon ang habambuhay na ite-treasure ng isang tao. Napa-proud ako sa sarili ko na nakapagtapos ako kahit high school na iniisip ko dati hindi ko magagawa.”

Iniaalay daw ni Kim sa kanyang lola ang kanyang diploma because it was her grandmother’s wish that she finishes high school. Nakausap ng The Buzz ang kanyang lola sa Cebu at masayang-masaya ito sa tinamong tagumpay ni Kim.

“I am proud of her, kasi noon pa man matalinung-matalino na ang batang ito. Sana ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo sa college, ang karunungan ay di mapapantayan ng yaman. Again, congratulations, Kim.”

Mabait si Kim sa kanyang pamilya kaya naman patuloy ang pagdating ng mga blessings sa kanya. Kasabay din nag-graduate ni Kim si Gerald Anderson, pero hindi ito naka-attend ng graduation ceremony because he was in Tanay working.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articlePELIKULANG ‘NIGHTS OF SERAFINA’, MAY SUMPA?!
Next articleJOHN APACIBLE, BINARIL NG TIYUHIN, PATAY!

No posts to display