MARAMING K-POP fans ang natuwa when famous Korean girl group 2NE1 recently came to the Philippines for a five-day vacation. Sino naman kasi ang hindi nakakakilala sa grupong ito na kinabibilangan ni Sandara Park? Bata man o matanda, babae man o lalake ay tiyak nang napanood ang music videos o napakinggan ang mga kanta nila tulad ng Fire, Go Away, Lonely, Can’t Nobody, Clap Your Hands, I Don’t Care, at I’m the Best. Nagkaroon pa sila ng successful concert sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Nagpapasalamat si Sandara sa mga fans who made her short trip here in the country with CL, Park Bom, and Minzy a memorable one. According to reports, the group went to Albay for a photoshoot. I’m sure her groupmates had fun riding a jeepney, a unique mode of transportation na rito lang sa Pilipinas mayroon.
Despite her haywire sche-dule ay nagawa pang dumalaw at kumustahin ni Sandara ang kanyang mga dating kasamahan sa ABS-CBN shortly after arriving from Albay and on her last day in Manila. Kahit pagod ay wala siyang inaksayang oras para makita ang kanyang mga kaibigan. She met her Star Magic mentor Mr. Johnny Manahan, Luis Manzano (na siyang host ng Star Circle Quest kung saan unang nakilala si Sandara), at si Kim Chiu. She also met fellow SCQ finalist Joross Gamboa.
Nakakatuwa itong si Sandara dahil kahit sobrang sikat na siya bilang si Dara (of 2NE1) ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang Pilipinas at ang mga Filipino. Maga-ling pa rin siyang mag-Tagalog at proud siyang sabihin na galing siya ng Pilipinas. Kaya naman in na in pa rin siya hanggang ngayon sa puso nating mga Pinoy. Dugong Koreana man pero may pusong Pinoy si Sandara.
I first met the young Sandara during her SCQ days. I was one of the jurors together with Direk Lauren Dyogi and Ms. Gloria Diaz. Kahit mahirap ang mga challenges ay hinaharap ito ni Sandara. She has this special charm. Who can forget the Sandara wave? Or the way she speaks Tagalog? Or the way she cries during elimination nights? Sayang at hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkitang dalawa when she visited ABS-CBN. Pero masaya pa rin ako because we are part of her journey to wherever she is today. At alam kong magkikita kaming muli ni Sandara dahil babalik pa siya sa Pilipinas which she considers her second home.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda