SARAH GERONIMO is one of the coaches in The Voice of the Philippines na malapit nang mapanood. The show will be hosted by Toni Gonzaga, Robi Domingo, and Alex Gonzaga.
Maliban kay Sarah who is dubbed as ‘the voice that captured our hearts’ in the reality singing competition, kasama rin sina Ms. Lea Salonga (the voice that conquered the world), Apl.de.Ap (the voice that ruled the worldwide music chart), and Bamboo Mañalac (the voice that rocked our world) as coaches.
Ibayong paghahanda ang ginagawa ngayon ng Popstar Princess. “Lagi akong nanonood ng The Voice [para alamin] kung paano sila (judges) magbigay ng comments, iyong terminologies na ginagamit nila concerning musicality. [Ito ay] para maayos iyong mabibigay kong komento sa mga naga-audition. Actually, the hardest part [ay] iyong kung paano bigyan ng komento iyong hindi pumasa. Lahat kami nag-a-agree doon.”
The Voice was first aired in Holland at sumunod ang ibang bansa gaya ng Poland, Thailand, Vietnam, South Korea, Spain, United Kingdom, USA, among others. Sa bawat season ng The Voice ay inaabangan ang mga coaches na talaga namang matitindi ang mga ibinabatong opinyon. The four coaches don’t judge contestants by their looks, personalities, stage presence, at kung paano sila sumayaw. Ang tanging pasaporte ng mga ito sa minimithing tagumpay ay ang kanilang angking galing sa pagkanta, reason why it is called blind auditions where coaches have their backs to the contestants during auditions. They only turn to face the singer when they like the voice.
Masyadong abala ngayon si Sarah sa kanyang showbiz career kaya marami ang nagtatanong kung may puwang pa ba sa kanyang buhay ang pag-ibig. Okay lang ba sa kanya ang maging single? “Oo naman po! May mga pagkakataon na nalulungkot ako, naiinggit ako. At the end of the day, kailangan kong intindihin na mayroong tamang panahon para sa pag-ibig. Sabi ko nga, the next time I fall in love sana totoo na talaga. Kahit ilang taon akong maghintay okay lang basta totoong pagmamahal. Kahit hindi mag-work out at mag-fail at least naramdaman ko iyong totoong pagmamahal. May mga nagsasabi [na] kailangan may ideal man ka, may standards ka. Okay din iyon pero ang pag-ibig, hindi mo maplano iyan. Hindi mo talaga masasabi kung kanino ka mai-in love,” paliwanag ni Sarah.
Sarah said the next time she falls in love, she will value the opinion of her parents. “Napakaimportante ng say ng mga magulang. Unang-una, ayoko nang gawin ang mga pagkakamali ko in the past. Iyon lang naman. I-honor ko rin kung ano iyong gusto nila.”
Now that Rayver Cruz is single, a lot of people are asking about a possible reconciliation. “Ayokong mag-comment tungkol diyan. Tapos na iyan. Okay kami. Nagbabatian kami ng tama lang. Civil lang,” pahayag ni Sarah.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda