KAKAIBA ang bagong pelikula ni Anne Curtis na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018.
Kuwento ito tungkol sa isang shipwreck ang premise ng pelikulang Aurora na dinirek ng kilalang horror movie director na si Yam Laranas.
Mahilig si Anne sa mga pelikulang horror ang genre. Gusto niya ito panoorin.
Based sa full trailer na napanood namin sa sinehan, eerie ang mga eksena. Hindi maingay. Hindi masalita pero alam mo at ramdam mo ang kilabot just like the horror movie na The Others ni Nicole Kidman in 2002 na nang banggitin ko sa kanya during the grand media conference na ginanap sa isang hotel sa Araneta Center, personally ay gusto rin pala ni Anne ang pelikula na isa sa mga nasa top 10 list niya of horror movies.
The film Aurora was shot in Batanes and produced by Viva Films and Aliud Entertainment.
Sa pelikula, Anne plays the role of Leana na may-ari ng isang lumang hote na hiningan ng tulong ng mga naghahanap ng mga labi ng mga namatay sa nangyaring aksidenteng pagkalibog ng isang barko. Ang kapalit ay malaking halaga.
Kabilang sa hinahanap ay ang ex-boyfriend ni Leana played by Marco Gumabao at ang mangingisda na si Allan Paule.
“We shot for almost two weeks,” pagkukuwento pa ni Anne, kung saan first time niya narating ang Batanes na located sa dulong itaas ng Pilipinas sa mapa.
Sa pelikula, nag-risk si Anne na gawin ang isang eksena ni Direk Yam kung saan kailangan siya kunan underwater ng 30 seconds to 1 minute kung saan hindi siya pumayag gawin ang eksena ng kanyang double at gusto niya na siya ang gumawa nito kahit delikado sa kabila ng malakas ang underwater current lokasyon.
“But I made it sure na nakapag-swimming ako,” kuwento niya.
Kung horror movie ang hilig mo, itong Aurora ni Anne for sure ikaka-kilabot mo.
Reyted K
By RK Villacorta