VERY SELDOM ako nakakapanood ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na programa kung saan hinahangaan ang mga artista sa galing nila sa pag-arte.
Sabi nga, basta lumabas ka na sa MMK, sigurado na magaling ka.
In short, not all stars of ABS-CBN ay nakakaganap sa longest running anthology sa telebisyon. Hindi pork’et sikat ka, pwede ka na mag-MMK at magbida.
Batayan kasi ang palabas para sa pamantayan kung magaling ka ba umarte o hindi. Kung hindi, malamang sa hindi ay hindi ka magkakaroon ng sarili mong episode sa MMK.
Hindi ko alam na magaling pala si Maymay Entrata umarte in last Saturday’s MMK episode. Akala ko nga ay one-of-those pa-cute teenstar lang siya lalo pa’t kasama ang partner niya na si Edward Barber. May ibubuga at laban si Maymay sa acting.
Akala ko nga, pang-comedy lang siya kung saan doon ko siya nakilala at natatandaan.
With what she proved on television last Saturday bilang isang teen aeta na gusto itaas ang estado ng kanilang tribu sa diskriminasyon mula sa mga lowlanders na ang tawag nila ay mga unat (based sa mga buhok ng mga taga-kapatagan habang ang mga aeta ay mga kulot), at maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan sa pagsali sa local beauty contest, pinatunayan ni Maymay that she can act.
Parang eksena sa isang pelikula ng batikang direktor na si Lino Brocka na at a cue ay tutulo ang isang patak na luha sa kanang bahagi ng mata ng batang aktres na pasadong-pasado sa amin.
Keep it up Maymay. Loving you and your talent. Sa totoo lang, sa usaping acting at galing, she can stand alone even without her screen partner.
Goodluck Ate Girl.
Reyted K
By RK Villacorta