I AM applying as an English teacher in Vietnam. My agency is a licensed one but it came to my knowledge that the job order (JO) is not yet approved by POEA. It’s representative told us that the JO will be approved within a week but after almost two weeks it’s not yet approved. The agency wants us to submit all our documents and have our medical examination so that they can send them to Vietnam for visa/work permit processing. They are also asking for one month salary placement fee and P15K processing fee.
Do you think this agency can be trusted? How long does it take for an agency to have an approved JO? I’m just wondering why it’s taking a long time to have an approved JO. Shouldn’t it be that an agency should first have an approved JO before they recruit/post any vacancy in their website/www.workabroad.com. How can POEA help us in this kind of situation? — Melba of Pasig City
TAMA KA. Kung wala pang job order, walang awtoridad na makapag-recruit ang anumang ahensiya. Mas masahol nga ang nangyari sa iyo. Wala pa mang job order ay sinimulan na ang pagproseso sa mga papeles mo. At sinisingil ka na ng placement fee at processing fee. Nilalabag ng ahensya mo ang ating batas at ang mga regulasyon ng POEA.
Matagal na nating sinasabi sa kolum na ito na hindi komo rehistrado o lisensiyado ang ahensiya ay laging legal ang mga ginagawa nito. Ang anumang ahensiya, legal man o illegal, ay maaaring nagsasagawa ng illegal recruitment.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo