Kailangang sundin ang gusto ng madlang pipol Ryan Bang, goodbye na talaga sa showtime!

BUKOD SA NAGING emosyonal, naging big deal sa madlang pipol ang nangyari sa eviction time ng Showtime last Saturday.

After 48 weeks of being a judge, the people have spoken, burado na si Ryan Bang. Pero ang nakakalokah, bumaha ng luha ang buong istudyo, lalo na nu’ng humagulgol na si Ryan.

Ayaw pa kasi ni Ryan na mabura, dahil napamahal na sa kanya ang buong show at ang staff. Na-ging routine na ng katawan nito ang gumising nang maaga to get ready for Showtime.

Eh, si Dimples Romana that time, nagpaalam na rin, kaya nagdayalog ito na gusto nitong ibigay ang puwesto kay Ryan.  At ‘yun ang nangyari.

Kung bumaha ng luha sa istudyo, binagyo naman ng sari-saring opinyon ng batikos at papuri ang show.

Papuri, dahil napakaganda raw ng gesture ni Dimples na ibinigay kay Ryan ang kanyang puwesto. Pinairal din daw ang totoong meaning ng pagiging “Kapamilya”.

Batikos, dahil ba’t daw hindi nanaig ang boto ng madlang pipol? Para ke pa’t nagkaroon ng botohan kung hindi rin lang naman masusunod ang magwawagi sa botohan?

Me nabasa pa nga kaming tweet na, “Eleksiyon ba ‘yan? ‘Yung nanalo sa botohan, hindi pala ‘yon ang uupo?”

Kung ikukumpara namin ang positive sa negative, lamang na lamang ang negative reactions sa nangyari sa Showtime.

Sabi nga namin, isa lang ang ibig sabihin niyan: napakaraming nanonood ng Showtime.

IPE-PREEMPT NA NAMIN ang nabalitaan namin. Na si Ryan Bang ay burado na totally at papalitan na sila ni Dimples Romana ng dalawang bagong hurado.

Kay Vice Ganda, masakit para sa kanya ang nangyaring mabura si Ryan, pero mas importante sa kanya ‘yung gustong mangyari ng madlang pipol.

Kung kami naman ang tatanungin, tama na ring nabura si Ryan. And it’s about time na magpaalam na si Ryan para i-welcome ang bagong hamon sa kanyang career.

Naging loyal Kapamilya naman siya at naramdaman ng Pinoy na mas mahal niya ang mga Pinoy kesa Koreans, wish lang namin na sana, ma-bigyan siya ng teleserye.

Para me bago naman sa buhay niya, ‘di ba?

Alam naming sobrang gustong makaipon ni Ryan para makabili ng bahay o condo rito sa ‘Pinas para mapaluwas na niya ang pamilya niya rito para rito na manirahan.

At ang alam namin, ang laki ng ginastos ni Ryan, dahil sinusuportahan pa niya ang kanyang family na nasa Korea.

Pero siyempre, that’s beside the point, ‘di ba? Hindi natin puwedeng bawiin at baliin ang rules ng Showtime porke naawa lang kay Ryan, dahil super cry nga ang bagets.

Basta, Ryan, lagi mong tatandaan, ang pagsasara ng pinto sa ‘yo ng Showtime ay siya namang pagbubukas ng iba pang oportunidad sa iyong career.

NU’NG DINALAW NAMIN sa set ng Budoy si Gerald Anderson, medyo na-bother kami sa kanyang kutis. Kaya nga sabi namin sa kanya, “Alam mo pa ba ang spelling ng salitang tulog?”

“Nako, hindi na nga, eh!”

Korek. Medyo nalolokah kami, dahil ‘yung dating freshness ng fez ni Gerald ay hindi namin naramdaman nang mga oras na ‘yon. Guwapo pa rin naman si Gerald, pero para sa amin, mas guwapo siya noon kesa ngayon.

‘Yun pala, nagsu-shoot siya ng movie with Sarah Geronimo at nagte-taping naman siya ng Budoy.

‘Yan nga rin ang gusto naming sabihin sa mga fans at sa mga sumusubaybay sa kanila.

Na ang isang kilala o sikat na artista, ‘pag punum-puno talaga ang iskedyul at sooobraang busy ay ang tendency, ang tulog ay binibili na nila sa pamamagitan ng paghingi ng engrandeng bakasyon.

O kung minsan naman ay umiinit ang ulo nila, nagrereklamo na at umiiyak na sila, dahil wala na silang panahon para sa sarili nila.

Kaya intindihin natin sila.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleKris Bernal, umaasa pa rin kay Aljur Abrenica?!
Next articleMagka-Tambal!

No posts to display