PALABAS na sa VivaMax ang bagong sex-comedy ng Viva na ‘Kaka‘. Ito ay pinagbibidahan ng viral ‘braless queen’ na si Sunshine Guimary. Dahil sa pagiging palaban nito sa pagpapaseksi sa social media at pagiging ‘babaeng bakla’ ay natuwa ang mga netizens dito at bongga lang talaga na bida siya agad sa isang pelikula.
In fairness to Sunshine Guimary, may comedic timing talaga ito. Game na game rin ito sa hubaran at kapilyuhan at kitang-kita mo ang effort niya rito.
Si Jerald Napoles ay swak sa kanyang papel bilang best friend na may lihim na pagtingin kay Kaka. No wonder na pinagselosan ito ng real girlfriend ni Je na si Kim Molina. May chemistry silang dalawa na sa totoo lang, mas okay ‘yata kung sa kanila na lang nagfocus ang kalat na story line ng pelikula.
Aliw kami sa pamilya ni Kaka na pinangunahan ng mga legendary sexy icons na sina Gina Pareno, Rosanna Roces at Maui Taylor. Mas maganda sana na sa kanila na lang ibinigay ang screen time na ibinigay sa mga loud and annoying friends ni Kaka na masakit sa
tenga ang pagdeliver ng kanilang mga linya. One or two friend is enough. Three is just too much!
Isa pa ay ang ‘other guy’ na ginampanan ni Ion Perez. Kung hindi kami nagkakamali, ito ang first leading man role ni Ion sa pelikula. Siguro ay dapat paghandaan ni Ion ang kanyang next movie project dahil sa Kaka ay halatang nangangapa pa ito at obyus din na conscious ito sa mga eksena nila ni Sunshine.
Mas maganda sana kung ang gumanap na Levi ay someone na mas mataas ang level of confidence na magiging kapani-paniwala na hahabol-habulin ni Kaka. Based sa kanyang mga vlogs, mukhang si Marco Gumabao sana ang swak bilang Levi.
Nakakapanghinayang ang pelikulang ito dahil may potensyal sana ito na maging next ‘Booba’, ang iconic sexy-comedy film na nagpasikat kay Rufa Mae Quinto. Sa pelikulang iyon ay may kwenta ang mga cast and characters plus bongga din ang chemistry nila ni Gary Estrada.
The story line of the film version is all over the place, too crowded with loud and miscast characters. Kung gusto nilang i-push na maraming characters talaga, mas maganda siguro kung ginawa na lang nila itong digital series.