“MAGKAIBIGAN LANG po talaga kami ni Mario Maurer.”
Ito ang mariing pahayag ni Kakai Bautista in her phone interview with TV Patrol. “Nothing romantic. Kumalma silang lahat, may pag-asa pa kayong lahat guys. Huwag kayong magalit sa akin. Kasi hindi ko rin naman kasalanan kung bakit kami naging magkaibigan. Mabait talaga siya, aalagaan ka talaga niya.”
Despite setting the record straight, Kakai still receives bashings from people – karamihan sa mga ito ay below the belt na. Maliban kasi sa mga panlalait at pang-aalipusta sa kanyang pagkatao, inaakusahan din siyang ginagamit lang niya ang Thai heartthrob upang sumikat at pag-usapan.
It all started when photos of Mario and Kakai enjoying bonding moments in Thailand went viral. People became curious if they are dating. Incidentally, Mario and long-time girlfriend Gubgib Sumontip have broken up.
Kakai and her friends recently went to Thailand where they met up with Mario and his manager. Naging mabuting magkaibigan sina Mario at Kakai after starring together on Star Cinema’s Suddenly It’s Magic. Sino ang mag-aakalang ang kanilang pagkakaibigan ay mababahiran ng ibang kulay at iisiping pagkakaIBIGan na ang namamagitan sa kanilang dalawa?
In another interview, Kakai disclosed her feelings regarding the issue. “Minsan natatawa ako. Minsan nai-stress din ako kapag naiisip ko iyong mga ilusyonada. Wala naman akong pakialam kahit anong sabihin nila. Ambisyosa, ilusyonada. Masaya naman ako kahit paulit-ulit nilang sabihin iyon. Wala silang magagawa kasi nandoon na iyon. Pero sabihin nila na I’m using Mario to be popular? ‘Di naman showbiz iyong friendship namin. Totoong friendship iyon.”
Kakai values her friendship with Mario at ni sa hinagap ay hindi raw niya inakalang magiging magkaibigan sila. “Porke ba’t komedyante, chaka, hindi na p’wedeng magkaroon ng kaibigang international star?” She considers herself lucky for having Mario as a friend. Pinatunayan daw ng aktor na walang pinipili ang isang totoong kaibigan.
“His manager and brother have been very good to me. Pinakita nila sa akin that they appreciate me and they love me, so I am very thankful. That’s why I am crying now kasi kahit anong sabihin ng mga tao, I am using him, nag-iilusyon ako sa friendship namin, sorry po. Gusto ko lang mag-sorry para sa inyo, para sa mga sarili ninyo. Kasi my Thai friends are very good to me. They are kind. I am so lucky to have them and I want to protect them. Kaya sana po matigil na kasi I want to protect my friends lalo na si Mario.”
Hindi maiaalis kay Kakai na masaktan sa mga patuloy na pagbira sa kanya. Kasalanan bang maituturing na maging kaibigan ang isang tulad ni Mario Maurer? Kailangan pa bang humingi ng permiso ni Kakai para payagan siyang maging close sa aktor?
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda