Hindi na ekslusibo sa mga taga-Negros ang Piaya Network. Dahil simula noong October 1, 2016, napanonood na sa buong bansa ang Bacolod-based television network sa pamamagitan ng Cignal Cable Channel 56.
Ito ang inihayag ng Piaya Network executives na sina JR Gumabon (Chief Legal Officer), Tony Aguirre (Board Member), at Anthony Leo Aguirre (Board Member at Presidente ng Piaya Network) sa mga dumalong Manila Press sa isang press conference na isinagawa sa Blue Leaf Filipinas sa Aseana City sa Parañaque City noong September 18, 2016, kasunod ang pormal na paglulunsad ng nasabing TV network.
Nagsilbing host si Alvin Anson sa nasabing event na dinaluhan ng ilang celebrities tulad nina Cesar Montano, na nagpaunlak ng isang special song number, at ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong.
Mayroong vision na maging “one of a kind in crafting the media art experience in Negros and beyond”, Piaya Network “specializes in digital production that brings pleasure, creativity and professional advertising” na ikinasisiya ng mga customer nito. Consultant din ng network ang director/ line producer na si Elaine Lozano.
Galing sa sikat na Bacolod delicacy ang pangalan ng Piaya Network na nagkaroon ng katuparan nang imungkahi ni Anthony Leo noong January 2014 sa amang si Tony ang pagtatayo ng isang network na magpo-promote sa Bacolod City bilang isang tourist destination. Nakita ng kanyang ama ang malaking potensyal at sinuportahan ang idea. Kaagad din silang kumuha ng production veterans at young professionals para lumikha ng quality shows and entertainment.
Unang inilunsad noong August 2014 ang Piaya Network sa Ayala District North Point sa Talisay City at napanonood lang sa Negros Island sa Sky Cable Channel 35. Prodyus ng ATP productions ang iba’t ibang original TV programs ng network at nakapokus ito sa broadcast syndication sa buong Negros.
Kabilang sa quality original TV shows na naunang ipinalabas ng Piaya Network ang “The Urban Backpacker”, “Power Up”, “L: Live, Laugh, Love”, “Art Works”, “Gag-O!” at “Certified Foodie Ako”.
Sa ngayon, “L: Live, Laugh, Love” na lang nananatiling umeere sa mga unang shows bilang longest running series ng Piaya Network. Nagdagdag naman sila ng maraming variety of shows tulad ng “A Listed”, “The Real Talk”, “Project Negros”, “Festival Junkie”, “Travel N’ Taste”, “Straight No Chaser”, “Piaya Documentaries”, at iba pa.
Narito ang listahan ng mga kasalukuyang show at programa na umeere sa Piaya Network:
- “L: Live, Laugh, Love”– hosted by Annie Morales, this show aims to discover how to live life to the fullest, love and be loved, and laugh our worries away
- “A Listed”– a show that seeks to provide an in depth forum for business persons, political leaders, and inspiring personalities in the province
- “The Real Talk“– your regular source of the latest talks buzzing around Negros, with topics on entertainment, sports, politics, health, business, and more
- “Project Negros“– showcases the people, industries, and products that are deeply rooted to the Negros province
- “Festival Junkie”– a party-like show ranging from traditional celebrations to spectacular nightlife
- “Travel N’ Taste”– a show filled with eye opening adventures and satisfying dishes, Negrense style, hosted by Shannan Anthony Gonzales
- “Straight No Chaser”– a Bacolod-based podcast or talk show dealing with all kinds of random, interesting things
- “Piaya Documentaries”– a documentary program that highlights the plights, aspirations, and daily struggles of our Negrense brothers, exposing their real situation and issues
- “SmArts” – a children show where you can learn how to make decorations, ornaments, home designs, and art pieces for kids, hosted by Ate Joyce
- “Backpacker Adventures”– a travel show that will help you discover interesting local folks and unique beauty across the Negros Islands, hosted by Luigi and Julius
- “Food Infinity”– a show that explores the city streets in search for one of a kind eating experience that will delight your palates
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores