BLIND ITEM: MINSAN nang nabalitang tatakbo sa lokal na puwesto ang isang sikat na singer-actress, hindi lang ‘yon upang ipagpatuloy ang magandang naitala ng kanyang angkan sa paninilbihang-publiko, kundi maipamukha sa kanilang mga kalaban ang kapangyarihang umano’y inagaw sa kanila.
Pero urong-sulong ang celebrity politician-wannabe, may bahid-dungis din daw naman kasi ang iba niyang mga kadugo, baka ito pa raw ang makasilat sa tiyak na niyang pagkakasungkit sa minimithing posisyon. Sang-ayon kami sa pagpihit ng direksiyon ng singer-actress, sapat na ang larangan ng showbiz para pagtuunan niya ng pansin, let her husband polish his political name to the shiniest.
For sure, hindi alam ng singer-actress that one of her kin (pinsan nga ba o tiyuhin sa ama?) ay nambuburaot sa isang beerhouse. Kutis-mayaman, astang-mayaman, pormang-mayaman, pero hindi na ito nahihiyang nakiki-table sa mga maperang kostumer para makalibre ng alak at mga kanta sa videoke!
How megacheap, huh!
WILLIE REVILLAME’S HAVING sealed the deal with TV5 did not come as a “Ha?! Talaga?! Hindi nga?” At the very onset naman kasi talaga, dalawang istasyon lang ang hinuhulaang lilipatan ni Willie, ang magkasunod na odd number-channels after 2.
If I may speak for GMA-7, Willie has no place in the Kapuso network whose noontime block na kanyang nilayasan is dominated by 31 year-old Eat… Bulaga! TV5 lang talaga ang more likely “breeding ground” ni Willie, dahil sa mas agresibo nitong posisyon sa industriya ng telebisyon, idagdag pa ang pamumuno ni Mr. Manny V. Pangilinan na isa sa mga pinagpipitaganang pangalan sa larangan ng pangangalakal.
Channel 2’s counterclaim suit against Willie set aside, to the tune of nearly P500 million vis a vis Willie’s P11 million something case against his former home studio, mas nakasalalay sa TV host ang kanyang ikapapanalo (o kabaligtaran nito) sa labas ng korte gauging on the success of his TV return.
For now, it’s best that Willie reserve his arrogant stance until his resurrection takes place. Either-or lang naman ang maaaring kalabasan ng kanyang pagbabalik-TV that may swing from success to failure, from victory to defeat.
Baka naman kasi maingay lang ang pagdiriwang, pero wala naman palang dapat ipagbunyi.
KAY CARLA ABELLANA na rin nanggaling na ang pinakamagandang script na nabasa niya ay ang huling linggo ng Basahang Ginto, which runs this week. Gumaganap bilang ina ni Carla (Orang) si Aiko Melendez (Rosenda) na sa kanyang pagsagip sa buhay ng anak ay siya ang masasagasaan ni Jim Pebangco (my friend from way back who plays Godo).
But Aiko survives the road mishap, she then reconciles with Jackie Lou Blanco (Elaine). Hihingin din ni Geoff Eigenmann (Danny) ang permiso niya na pakasalan si Carla. Of course, there’s a happy ending to the story.
Minsan nang sinabi ni Aiko that she was not actually part of the original cast. Pero specially handpicked siya ng direktor nitong si Joel Lamangan who had to have the script revised to suit Aiko’s pivotal character.
Bagama’t tatak-aktres ang tingin kay Aiko ng kanyang mga tagasuporta, sa loob at labas ng industriya, there’s one facet of hers waiting to be tapped: ito ang husay rin niyang mag-host. In fact, this is Aiko’s dream that she hopes to fulfill.
Having her as guest in talk show will make anyone realize that she can do much more. Hosting is Aiko’s untapped talent that she wants to share given her well-roundedness as a person. And why not, Papa Patrick… Papa Patrick daw, o!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III