Kalmante lang sa shooting ng indie movie
Gretchen Barretto, parang walang matinding family problem

NAIMBITAHAN KAMI ni Direk Christopher Ad Castillo sa last shooting day ng The Diplomat Hotel kamakailan sa Kamuning at naabutan namin ang kontrobersyal at lead actress ng pelikula na si Gretchen Barretto du’n. Nakaupo lang si Greta sa isang monoblock chair with her security na nagpapayong sa kanya at isang P.A. na taga-abot ng towel, perfume at inumin niya.

Wala namang bakas sa mukha ng aktres na may matinding pampamilyang problema ito dahil masaya itong nakiki-tsika sa mga staff. ‘Yun lang, hindi kami pinayagang makalapit at makapagtanong sa kanya tungkol sa problemang kinasasangkutan nito ngayon laban sa kanyang ina, at mga kapatid na sina Gia at Claudine Barretto.

Dahil du’n, nagtanung-tanong na lang kami sa mga taong naroroon like some staff at nakibalita tungkol kay Gretchen.

“Medyo nahirapan po siya kasi nag-shoot kami sa Baguio City at iba pang location. Mahirap din na i-schedule siya kasi nga hindi namin alam na may problema palang personal. Ang sa amin is… we’re waiting… we are waiting and we have to wait dahil siya ang aming prime actress here.

“May mga delayed… sa schedule like okey na siya, tapos biglang hindi pa pala… mga ganu’n lang naman… minor lang. Nagpapasabi naman .

“Hindi namin alam ‘yung problema… wala kaming alam… at walang nagtatanong kasi walang nakaaalam. So, ganu’n lang. Trabaho lang kami rito. She’s cooperative naman. Lalo na ‘yung weather natin ngayon, ‘di ba? Na nagsyu-shoot kami na sobrang init… okey lang naman.

“Pero may ilang nakakapansin na tahimik siya at times. ‘Yung alam mong parang may malalim na iniisip. ‘Yun na pala ‘yun. “But as an actress, she delivered well. At happy kaming lahat dahil Gretchen Barretto ang artista namin, ‘noh! “ tsika pa ng kausap namin.

Hindi kaya maapektuhan ang pelikula nila now na may mga negative issues na kinasasangkutan ang aktres nila?

“I dont think so… kasi matatalino na ang audience ngayon, eh. If you have a good story to tell, they’ll gonna watch it! One more thing, its for Cinemalaya new breed category and people love to watch indie movies in Cinemalaya Filmfest. And like what I said, we have Ms. Gretchen Barretto. No matter what they’ll say about her, she’s Gretchen. And that’s it!” kumpiyansang sey pa nito sa amin.

SUMAKABILANG-BUHAY NA si Baby Porcuna, ang ina ng character actress na si Deborah Sun. Ilang buwan ding itong nagtagal sa ospital dahil sa sakit na cancer, stage 4. Dahil du’n, umabot sa halagang P1-M ang hospital bill. Tuliro nga raw si Deborah kung saan kukunin ang ipambabayad du’n.

Matatandaang noong 1978 ay isinapelikula ang madramang buhay ni Baby Porcuna na ginampanan noon ni Beth Bautista. Madrama at masalimuot ang buhay ni Baby. Naanakan siya ni Leroy Salvador (SLN) at ang naging bunga ay si Deborah nga. Madrama at makulay rin ang naging buhay ni Deborah na sumikat noong dekada ‘80 sa mga pelikula ng Regal Films. Mayroon siyang isang anak kay Jimi Melendez (SLN) na tatay ng aktres na si Aiko Melendez. Matagal siyang naglagi sa Amerika dahil sa kasong iniwan dito.

Subalit hindi rin siya nakatiiis at umuwi rito sa Pilipinas. Hinarap ang kaso hanggang sa makulong ito ng ilang taon bago nakalaya.

Aktibo si Deborah sa TV. May mangilan-ngilan itong guesting at regular na trabaho sa TV. Mahusay na aktres si Deborah pero hindi na sapat ‘yun upang makabalik siyang muli gaya sa dati niyang kasikatan.

May mga kaibigan naman siya sa showbiz at napakalaki ng Salvador Clan. Okey na naman sila ni Maja Salvador, kaya sure kaming lalapitan niya ito at hihingi ng tulong.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous article‘Di sinipot ang last airing
Raymond Gutierrez, nagtampo sa pagkatsugi ng show?!
Next articleJudy Ann Santos, deadma lang sa ‘hiwalayan’ issue nila ni Ryan Agoncillo

No posts to display