PAKI-KAMOT NGA ang likod ko. Sarap magpakamot.
Sa ingles, “itch” ang bansag sa pangangati ng isang pook ng katawan na nangangailangan ng kamot. Ang “itch” ay isang “minor irritation sa skin caused by certain bacteria”. Of course, ang kamot sa ingles ay “scratch”.
Dala rin ng pagtanda ang frequent itchiness. At ako’y may discomfort na ito. Parati na lang nangangati ang iba’t ibang sulok ng likod ko. ‘Pag minsan lumilipat ito sa tuhod at sa may genitals. Kaya masarap kamutin at ipakamot.
‘Pag ako’y nangangati sa likod, tawag ko na ang panganay kong apo, Anton. Iho, please kamot ang likod ng lolo, at kapalit budget pang-text. Kamay mo, ‘wag kutsara. Pabiro ko sa kanya. Agad-agad siyang takbo habang tumatawa.
Sa kanyang pagkamot, nagkakaroon kami ng sort of bonding. ‘Di ko naitatanong kung kumusta ang eskuwela niya, kung ano ang tsansa ng Lakers sa NBA, ‘wag aasarin ang kapatid niyang si Daniela, magdasal lagi, mahalin ang Dad at Mom niya at mag-aaral nang mabuti. Mga salitang pinakikinggan niya habang padiin nang padiin ang kanyang kamot. At ako’y nakikiliti sa tuwa.
Sa barberya, malimit din akong magpakamot ng ulo. Prone kasi ang buhok sa dandruff at malimit mangati. ‘Pag ganitong service, may extra bayad ang barbero. Subalit sult naman ang serbisyo.
May kasabihan sa Ingles, “I scratch your back, you scratch mine.” Ibig sabihin “peace tayo, live and let live tayo, walang alitan o away.” Aprub ako rito. Bakit tayo maghahanap ng kaaway kung may madadagdag na kaibigan? Kung ganito ang panuntunan ng lahat sa mundo, tahimik ang ating buhay at daigdig.
May popular song si Harry Belafonte: “Scratch, scratch, scratch,” Calypso song. Mensahe: “Let’s love one another, forgive our differences. And make peace.”
Super-sarap magpakamot. Pero sa tamang lugar… he, he, he.
SAMUT-SAMOT
AN EROTICALLY charged Picasso oil painting alongside tulips and fruit salad sold for $41.5-M in New York. “Nature morte and tulips” painted in 1932 was the star of Sotheby’s impressionistic and modern art sale in Manhattan. The pre-sale for the work had been between $35-M and $50-M. The painting depicts the head of Marie Therese Walter who was Picasso’s lover and famous music muse and a suggestive flower arrangement.
NGAYONG NASA floating status na si PNP Chief Nicanor Bartolome habang naghihintay ng kanyang retirement sa March, wala pang lumulutang na posibleng kapalit. Marami ang umaasa na si NCRPO chief Leonardo Espina ang sumunod. Sa loob ng tatlong buwan, ipinakita ni Espina ang kanyang kakayahan. Pinatalsik niya ang maraming police scalawags habang pinaigting niya ang police visibility. Humupa nang konti ang high crime rate.
GABI-GABI SA tapat ng Meralco Bldg., Ortigas, may naglipanang bulag na pulubi na nagpapalimos. Kahit umuulan, naroon sila. Sa araw may nag-aabang sa kanila. Bakit ganitong sitwasyon ay pinababayaan ng DSWD o kung sino mang awtoridad. Very inhuman ang mga sindikatong nagpapakawala sa kanila. Buti wala pa tayong nababalitaan na nasagasaan sa kanila.
TAYO YATA ang lahi na walang pag-ibig sa ating bandila. Sa ibang bansa – kagaya ng U.S. – ang bandila ay sagrado. Lahat ng public at private offices at tahanan may nagwawagayway ng American flag. Nakahahalina ang kanilang kultura. Nangangahulugan ito ng kanilang maigting na pagmamahal sa bayan. Iba ang Kano. Taliwas ang Pinoy. Kaya tayo’y nasa pusali.
WALANG MATINDING pagbabago sa foreign policy ng U.S. Kung ano ang beneficial at pabor sa kani-lang interes, ito ang susundin nila. Walang so-called special relationships. Kaya ‘wag na tayong mga tangang
umaasa sa American altruism. Biro mo, mahigit 2 milyon ang Filipino migrants sa U.S. Naipakita nito ang political clout ng nakaraang eleksyon. Halos solid sila kay Obama. May nahalal din ilang Fil-Am sa Kongreso at local offices. Iba talaga ang Pinoy.
ANG PINAKA-MIGRANT na lahi sa mundo ay Pinoy. Kahit saang sulok ng daigdig ‘di maaaring walang Pinoy. Kaya ‘pag may sumabog na balita ng kalamidad o aksidente, nababagabag ang DFA. Baka may nasangkot na Pinoy. ‘Yong aksidente kamakailan sa Saudi na kumitil sa 20 katao dahil sa pagsabog ng ‘sang oil tanker, ang drayber ay Pinoy. May 5 ring Pinoy ang nasugatan nang malubha at 2 ang namatay.
UNTI-UNTI NANG napupuno ang mga shopping malls sa early Christmas shoppers. ‘Yong iba, Divisoria ang pinuputakti. Naalaala ko aking Inay at Tatay. Agosto pa lang namimili na ng damit at sapatos naming magkakapatid. Kaya Oktubre pa lang plantsado na. Sa Pasko ng umaga, buong kasiyahan nila kaming bibihisan. Sabay sabi: Isimba muna ninyo ang bagong suot para matuwa ang Diyos.
LIHIM KONG panalangin na sa aking retirement makapagsulat ako ng kolum sa ‘sang Filipino tabloid. Dininig ito kaya ako’y buong kasiyahan sumusulat sa astig na Pinoy Parazzi. Lagi kong hawak ang notebook at ballpen sa pag-asang may ideyang papasok sa isip. Salamat at ‘di ako nase-zero. Laging advance ang mga kolum ko. Tinuturing kong personal satisfaction ang pagsusulat. Buong buhay ko, Ingles ang aking medium. Nagsimula ako sa pagkatha ng mga tula at short stories. Press releases at feature articles ay gamay ko rin. Ngunit iba ang magsulat sa sariling wika. Nahuhugot ko ang mga ideya sa kaibuturan ng kaluluwa. Kaya panalangin ko, patuloy na tagumpay ng Pinoy Parazzi. Kahit saan hinahanap ito. Sana’y maraming ads ang pumasok para lumawig ang buhay. Bilib ako sa commitment ng aking kababayan at publisher, Raimund Agapito. Napakabait na kaibigan at tunay na talented.
TATLONG DATING co-employee ko sa Unilab ang sunud-sunod na sumakabilang buhay nu’ng isang linggo. ‘Di ko na babanggitin ang kanilang pangalan. Nalulungkot lang ako. Sana’y lumigaya sila sa kaha-rian ng Maykapal. Pinagdarasal natin.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez