Kampo ni Bea Binene, palaban kay Atty. Ferdinand Topacio!


SA TOTOO lang, kami rin mismo naguguluhan na sa isyung Bea Binene at Atty. Ferdie Topacio.
Sino ba ang nagsasabi ng totoo? Sino ba ang tama at nagsi-sinungaling?
Kaloka huh! Nang makausap namin ang publicist ni Bea na si Noel Asinas, sabi lang niya: “Sabi ni Mommy (pertaining to Bea’s Mom); magkita na lang sila ni Atorni sa korte!”
Sa totoo lang, sa murang edad ni Bea who is turning 15 very soon, off-limits na pakialaman ng isang mas nakatatanda (kung pakikialaman man ang tawag du’n) ang isang menor de edad.
Maging si Derrick Monasterio na kasamahan nina Bea sa youth-oriented show nila noon sa Kapuso Network, pareho pa lang silang nagsisimula ay napapangiti na lang nang tanungin namin ang tungkol sa isyu sa kanyang kaibigan.
“We support Bea. Kaming mga friends niya and’yan lang for her,” kuwento ni Derrick when we asked him about the Bea issue sa birthday party ng kaibigang Rose Garcia last weekend.
Si Derrick, bagong ka-loveteam ng ka-kontemporaryo at arch rival ni Bea na si Barbie Forteza who’s image at the moment is still sweet and “virginal”.
Pagbibida naman ni kasamang Noel on Bea: “Actually, pinagha-handaan na ng Dad niya ang nalalapit na birthday ni Bea meaning may pera sila at hindi niya kaila-ngang manggamit ng ibang tao.”

MAGANDA ANG pagkagawa ng pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicle.
Akala nga namin, the movie is about the supernatural-elemental thing na “tiktik” or “aswang” na matatakot kami tulad ng inaasahan namin pero hindi pala.
Sabi ni Mell Navaro, ang tawag niya sa movie is comedy-horror.
Pero sa totoo lang, impressed kami sa pagkagawa ng pelikula. Hollywoodish ang tawag namin dahil sa galing ng pagmamanipula ng director at ng mga technical staff sa computer para magugulat ka at sasabihin mong, ‘ang Pinoy, keri nang makipagsabayan sa foreign filmmakers’.
Tipong superhero si Dingdong na ang role ay “tiktik” slayer.
Nakadagdag ng comic relief si Joey Marquez at ang ilang eksena ni Dingdong sa pelikula. Pero siyempre, andu’n pa rin ang tension factor noong tumatakas na sila sa mga “tiktik”.
Ang galing ng pagmamani-obra ng computer na from a human form (pero mga tiktik) nag-transform ang mga kalaban ni Dingdong into freak animal forms na monster-like ang mga itsura na parang mga ulol na aso.

ALMOST TWO years na palang may asawa si Jolina Magdangal. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang. From her sweet-teen image noon na batang Cindy Lauper, now Jolens is happily married.
‘Yun nga lang, hindi pa rin siya nagbubuntis kahit ilang beses na siyang kinukulit ng friends niya.
Tipong naka-family planning si Jolens dahil imbis na magbuntis agad after getting married; pag-iipon at pagpapatayo muna ng bahay nilang mag-asawa ang inaatupag niya.

I WAS at the Senate last Monday afternoon thru the invitation of a friend Alex Marcelino.
Para akong probinsiyano na biglang na-exctie at natuwa nang makasabay ko sa elevator si Sen. Trillanes na noong una ay idol ko.
Pero dismayado ako sa kanya, huh! Suplado ang dating. Mukhang mabigat ang iniisip ni Senador. Problemado ba siya?
Ang hitad, ayaw man lang ngumiti. Ayaw man lang ibaling ang mga tingin sa mga kasabayan niya sa loob ng elevator. As in katabing-katabi ko ang “guwapong lolo” mo sa halos siksikan na sa loob ang laman.
Sa totoo lang, I find him mahina ang PR. I find his ways hindi mamahalin ng “masa”. Matipid sa ngiti. Suplado.
Kung showbiz lang siguro si Trillanes, I’m sure “nega” na siya sa mga baklita.
My second encounter that same day was with Sen. Miriam. Makakasabay ko sana siya sa pagbaba sa ground floor pero tila ang ibang mga kasama ko that moment sa Senate ay biglang nahiya o umatras nang malaman na makakasabay nila si Madam Mirriam.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleKapuso Does
Next articleFinalists ng Artista Academy, nakaharap sina Megastar, Star For All Seasons at Superstar!

No posts to display