OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka! Nakakaloka, kasi talagang painit na nang painit ang pulitika, lalo na ang tumatakbo sa lokal na position.
Tulad na lang ng napakainit na labanan sa pagka-gobernador ng Laguna na tumatakbo ngayon para kalabanin si Asyong Aksaya itong si Cong. Egay San Luis.
Kasi nababasa ko sa site nila sa FB na kung magparatang itong kalaban ni Egay ay puro kasinungalingan, samantala hindi niya muna tingnan ang performance niya bilang gobernador ng Laguna, kung maganda at maayos ba? May nagsabi nga sa akin na napaganda raw ang kapitolyo. Pero ang tanong, gumanda rin ba ang kabuuan ng Laguna?
Sabi nga ng sinasabi niyang hampas-lupa o maralita, talagang nganga sila kasi laging paasa itong gobernador na la-ging late sa takdang ibinigay na oras. Tulad na lang ng kasagsagan ng baha nu’ng nakaraang habagat na napakarami nang naghihintay sa kanyang mga kababayan para sa relief goods na ipamamahagi sa mga hampas-lupa.
Kasi kabilin-bilinan ni Gov. na ‘wag ipamigay hangga’t hindi pa siya dumarating. 11 am nagsimulang maghintay ang mga hampas-lupa. 8 pm na, wala pa ang Gov. Tumawag ang pinagkakatiwalaan, sagot ni Gov. “sige paghintayin mo lang, darating na ako, nakikipag-inuman pa ako.”
11 pm, wala pa rin. Kumontak ulit, kasi hindi pa rin nag-uuwian ang mga hampas-lupa. Sumagot uli si Gov. “sige parating na ako. Hindi mag-aalisan ‘yang mga hampas-lupa na ‘yan, kasi mga patay-gutom ‘yan at talagang maghihintay ‘yan sa akin. Bayaan mo silang maghintay.”
Ayun, inumaga sa kahihintay ang mga tao, walang dumating na gobernador. Natulog sa sobrang kalasi-ngan. Kaya kinabukasan na ng hapon dumating ang Gov. at nadiin pa rin ang sinasabi niyang mga hampas-lupa.
May isang pakawala na nagngangalang Danilo San Luis, kung saan ginamit ang apelyido ni Egay para siraan nang siraan si Egay na nagpapanggap na kamag-anak siya ni Egay. Pero ang totoo niyan, wala silang kamag anak na nagngangalang Danilo San Luis.
Kaya ang payo ko sa inyo, piliin n’yo nang mabuti ang talagang tapat maglingkod sa inyo na hindi puro kayabangan ang nasa isip. Dapat ‘yung may prinsipyo at malinis ang hangarin sa taong bayan, tapat at mabilis ang serbisyo sa inyo at tunay na taal na taga-Laguna. Hindi ‘yung nagmamaliit lagi sa mga hampas-lupa. Kaya kayong maralita ng Laguna, magkaisa kayo para ibagsak ang taong mapaghamak sa mga hampas-lupa. Aywan ko, may kilala naman akong artista na marunong gumalang at rumespeto sa mga hampas-lupa tulad ni Gov. Vilma Santos ng Batangas na ka-ticket ni Egay para sa matuwid na daan.
Sana matauhan na po itong mga taga-Laguna, ‘wag na kayong palilinlang sa isang bolerong kandidato. ‘Yun na!
AT SIYEMPRE hindi naman tayo magpapaawat sa isang celebration ni Marion Aunor last night na naimbitahan ako. Kaya lang, hindi ako nakapunta dahil may programa ako sa Pinoy Radio UK. Pero nu’ng napanood ko sa video, infairnes, tumataas talaga ang balahibo ko sa performance niya.
Talagang iba ang aking nararamdaman nga-yon, lalo na’t naka-graduate na siya sa Ateneo de Manila. Mas importante rin kasi ‘pag pumasok ka sa showbiz ay nakatapos ka na.
At siyempre, sinelebreyt din niya ang pagkapanalo niya nu’ng nakaraang Himig Handog bilang 2nd runner-up. Sabi nga ng mga anak ko, napaka-down to earth daw ni Marion. Hindi raw mahirap i-approach, dahil lagi lang naka-smile at talagang kahit sila ay bumilib kay Marion. Lalo raw nu’ng kinanta niya ang talagang mararamdaman mong galing sa puso na If You Ever Change Your Mind.
In fairness naman du’n, isisingit ko lang ng napanood ko pa sa video, may isa pang kumanta na ang galing din naman ng talent niya, ‘yung kapatid niya na si Ashley. Hindi rin nagpaawat dahil nagustuhan din ng croud ang singing performance niya, talagang napasigaw rin ang mga tao ng ‘more’.
Bonggang talaga ang anak ni Lala Aunor. Kaya ang masasabi ko lang, mana-mana lang ‘yan. In fairness, at siyempre isa pa sa celebration last night ang ire-release na ring album niya this coming April. Kakaiba rin kasi ang album niya, karamihan sa kanta niya ay composition niya, kaya naman hindi talaga magsisisi ang Star Records sa pagtanggap o pagpili sa kanya. Marami na rin ang naka-line-up for sure kay Marion.
S’yempre, isa lang ang masasabi ko, congra-tulations and keep up the good work!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding