Kampo ni Kiefer Ravena, tahimik pa rin sa photo scandal

 alt=

TAHIMIK pa rin ang kampo ng basketball star na si Kiefer Ravena sa isyu ng pagkalat ng umano’y mga iskandalosong litrato niya sa social media.

Kiefer Ravena

Nag-viral sa Internet ang screenshots ng diumano’y Viber conversation at photo collage ni Kiefer na nagpapakita ng close-up shot ng kanyang mukha at ng diumano’y ari ng dating Ateneo Blue Eagles cager.

Pinagpipiyestahan sa social media ang mga iskandalosong litrato ito ng basketball star na si Kiefer Ravena

Mula nang pagpiyestahan sa Internet ang mga nasabing litrato, walang lumabas na pagtanggi o kumpirmasyon mula kay Kiefer, maging sa kanyang mga handler. Habang isinusulat ito, March 12 pa nang huling maging aktibo sa kanyang Twitter account ang basketbolista.

Tumindi naman ang alegasyon na galing sa pakikipag-‘sexting’ ang mga iskandalosong litrato dahil sa umano’y Viber conversations ni Kiefer sa isang hindi nakikilalang babae.

Makikita sa nag-leak na Viber conversations ang umano’y account ni Kiefer, kung saan humihingi siya ng “sorry” sa kausap na babae at hinihiling rito na “tanggalin na lang para walang gulo”.

Tanging tugon naman ng kausap, “Stop messaging me”.

Ang umano’y Viber conversations ni Kiefer Ravena sa isang ‘di nakikilalang babae kung saan pinatatanggal umano niya ang mga iskandalosong litrato

Naging mas maingay ang isyu sa Twitter at Instagram, lalo pa’t high-profile ang relasyon ni Kiefer sa kapwa atleta at volleyball star na si Alyssa Valdez.

Kasalukuyang nasa Amerika si Kiefer na nagpapagamot ng injury sa kamay at inaasahang babalik sa bansa sa susunod na linggo. Nakatakda ang kanyang unang pagsalang sa Alab Pilipinas para sa playoffs ng Asean Basketball League.

Previous articlePiolo Pascual, hindi nagtanim ng galit kay Lolit Solis
Next articleSunshine Dizon at Timothy Tan, nananatiling responsable sa mga anak

No posts to display