NANG DUMATING ANG Pambansang Kamao noong Biyernes, nakiusap siya sa madlang pipol na huwag nang itanong sa kanya ang tungkol sa kanyang private life. Mag-focus na lang, sabi niya, sa mga achievements niya para sa ating bayan. Sa kasunod na presscon na ginanap, ganito rin ang hiniling niya. At pinagbigyan naman siya.
Wala bang privilege si Krista (Ranillo) na gawin din ito, sakali mang hilingin niyang manahimik at huwag nang magsalita? Kung pinagbigyan si Manny, bakit hindi si Krista? May career din siyang dapat ipagpatuloy at may kapatid na dapat tulungan nilang mag-anak.
Samantala, ise-share namin sa inyo ang isang mensahe ni Mat (Ranillo) para sa kaibigang Boy Abunda: “I sent this to Rowena, Ate Chit. She’s the secretary of Boy. I don’t know kung umabot. Paki-send sa kanya kung saka-sakali. Thanks so much for your love and effort. Dear Kuya Boy, thanks for being impartial about Krista’s issue sa The Buzz. We’ve been accused and abused, but we have forgiven those who has wronged us. The family is deeply hurt with this insanity. People are amused at negativism than national honor, and cultivate hate than love. Peace be with you.”
From Krista: “Thanks for defending me. At this point, wala talaga akong kakampi. But the very few I have on my side, I will remember and cherish forever. Napaiyak po ako sa write-up. The rest, I can’t reveal at the moment, dahil masyado nang personal, pero alam kong lalabas din ito one of these days.”
May official statement din si Gloria Sevilla (lola ni Krista on her father side). Hindi lang sa showbiz ang mensahe niya kundi sa kanilang mga kababayan sa Cebu, Davao at Dipolog na nagmamalasakit din sa kanila.
“I’m deeply saddened that Krista, my apo, is being condemned. I am personally requesting that you know the facts first. My apo is smart and she’s of age na. I’d like to give her the privilege to speak for herself. Matanda na ako, and I know that we have to focus on Trixie’s condition. We almost lost her before, we can’t afford to lose her again.”
TINUTUKOY NINA KRISTA, Mat at Mommy Glo ay ang pangunahing concern nila ngayon kay Trixie. Dapat sana’y umuwi din si Lynda noong Sabado dahil namatay ang kapatid niyang si Boy Tupaz at iki-cremate kinabukasan (Linggo as of this writing). Pero, dahil kay Trixie, mananatili siya sa hospital. Kasama si Kevin, only son nina Mat at Lynda.
Ika-5 operasyon na ang nagaganap kay Trixie ngayon.
When Trixie was born, taglay na niya ang kakaibang cleft palate case na iyon. Bukas ang kanyang bibig at ilong. Kailangan munang maghintay ng tamang panahon para umpisahan ang pag-aayos ng bibig at ilong niya. Kinakailangan nilang bumalik ng ‘Pinas dahil hindi nila kayang manirahan nang manirahan sa States nang ganu’n katagal.
Hindi kinaya ng murang katawan ni Trixie ang change of weather, kung kaya’t isinugod siya noon sa hospital. Actually, namatay na si Trixie nang ilang minuto. Pero, parang isang himala na na-revive. Nag-text sa inyong lingkod si Krista, requesting me to go to the hospital dahil may masamang nangyari sa kanyang kapatid. Noon ko nakitang halos maglupasay sa sama ng loob si Mat dahil, nang ma-revive ay gusto pang i-transfer si Trixie sa ward, dahil sa kawalan nila ng pandagdag na down payment.
FOR THE RECORD nang umalis si Lynda at anak niyang si Trixie patungong U.S. noong Sept.13, ang hawak nilang tiket ay fly now pay later. Ganu’n din ang ginamit nina Krista at Mat nang sumunod sila noong Nov. 1. PAL ang flight nila at matse-check ito sa travel angency na pinagkukunan nila.
Pati operation na gagawin kay Trixie sa Children’s Hospital sa Los Angeles, California ay under California Insurance din. Huhulug-hulugan nila. Sa U.S. isinilang si Trixie, kung kaya’t may certain privilege siyang ini-enjoy para maoperahan sa nasabing hospital. May team ng doctors na sadyang naka-assign sa bata dahil ibang klaseng cleft palate case ang kaso niya.
“Kukunan si Trixie ng buto sa tadyang niya, para itanim sa ngala-ngala bilang ngipin. Bone grafting ang process. Oobserbahan, so it will take sometime ng paninirahan sa States!” Paliwanag ni Mat.
‘Yung sinasabing nanood daw sina Krista at Mat ng laban ni Pacquiao ay hindi totoo. “Sina Lynda at Kevin (anak niya) ang nanood, hindi kami. Kami ni Krista ay nagsimba sa Our Lady of Redeemer Church (sa may strip) bandang 4 hanggang 5 ng hapon. May mga nakakita at nakakilala sa amin doon. Bumati pa nga sila. From there, tumuloy kami ni Krista sa bahay nina Jun de Rivera at nagkita kami ng anak kong si Lilibeth.
“Wala rin kami sa blow-out at concert ni Manny, pero napapabalita na naroon kami. Eh, ‘di sana nakunan na kami ng video dahil may coverage sa paligid.
BULL Chit!
by Chit Ramos