FORMER Adober Studios talent and Youtuber Christi Fider is now making noise on airwaves because of her first single under Star Music titled Teka, Teka, Teka (Kaway-Kaway, Kindat-Kindat) na sinulat ng award-winning songwriter na si Joven Tan.
Ayon sa dalaga, katuparan nang matagal na niyang pangarap ang kantang Teka, Teka, Teka na napapakinggan sa mga radio stations at downloadable sa mga digital platforms.
“That is one of my dreams,” bulalas ng 20-year-old singer who also dreamt of becoming an actress. “Lagi ko siya ini-imagine. But I’m very thankful din kasi all of the things that I used to imagine dati ay unti-unti na siyang natutupad. Super kilig everytime I see my music video sa Youtube channel ng Star Music,” masayang pahayag ni Christi.
Dagdag pa niya, “I’m very happy and grateful. Like I said, ini-imagine ko lang ito before and now na it’s happening. I really can’t believe it. Pag nakikita ko yung song or yung page ko sa Spotify napapa-smile na lang ako and I feel thankful sa lahat ng nagsu-support sa song.”
Masuwerte din daw siya na isang award-winning songwriter ang sumulat ng kanyang unang single sa Star Music.
“I’m lucky that Direk Joven wrote my first single. Hindi lahat nabibigyan ng chance to work with a talented composer like him. Lahat ng ginawa niya for Himig Handog big hit! Kaya I’m always thankful din talaga kasi he’s guiding me also and I hope marami pa kaming collaborations in the future,” sambit pa niya.
Nagbigay din ng reaksyon si Christi sa sinasabi ng marami na hawig at katunog din niya ang singer na si Moira dela Torre.
“Actually, maraming nagsasabi that I look like her. Personally, hindi ko siya nakikita but since marami nagsasabi so baka totoo nga. For me naman, I believe that she is a good person and kung sabihin na kahawig ko siya it’s okay for me.
“I want to enter this industry kasi I want to inspire people, especially people like me na dreamer. I’m not here to compete with anyone. I’m here to enjoy all the blessings na dumadating. Good vibes lang. Ha-ha!” lahad niya.
“With our voice naman, I think we both have our own different style. I believe naman na lahat ng artists iba-iba yung tunog. Siguro same kami in terms of we’re both chill, hindi kami bumibirit. That’s the kind of music kasi na I listen to.
“Isa siya sa mga OPM artists na pinapakinggan ko so I think may influence siya sa akin but di ko siya ginagaya. She’s a great artist and I hope I get to work with her someday,” dagdag na paliwanag ni Christi.
Samantala, ang Teka, Teka, Teka ay isang easy-listening song at maituturing na quarantine song dahil sa message nito. Ayon sa composer ng kanta, ang tawag sa genre nito ay bubble gum pop na matagal na ring uso noon pa man.