NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Baka puwede n’yo pong aksyunan ang aming problema rito sa Casiguran Central School dito sa Casiguran, Aurora dahil hinigingan po ang mga magulang ng pambayad na P80.00 para sa security guard, P50.00 para sa PTA, P100.00 para sa project, P50.00 para sa Garden house, at marami pang iba. Hindi po makaga-graduate ang mga bata kapag hindi nakabayad.
- Gusto ko lang po sanang ihingi ng tulong ang mga estudyante sa aming lugar sa Makawayan Elementary School sa Marinduque dahil ang dami pong bayarin sa PTA at sa mga club. Pati kuryente at kung anu-ano pa ay pinababayaran. Hirap na nga po ang mga tao sa amin, tapos ang dami pang bayarin sa school. Naturingan na public school pero lahat ay nakaasa sa aming mga magulang. Sana ay matulungan ninyo kami.
- Isusumbong ko lang po na rito sa Sta. Ana Elementary School ay naniningil sila ng P350.00 para raw sa graduation. Kawawa naman po ang mga bata na walang pambayad.
- Isa po akong concerned parent at nais ko lang pong ireklamo ang San Pedro National High School sa Hagonoy, Bulacan dahil naniningil ng P350.00 para sa PTA.
- Pakikalampag naman po ang pamunuan ng Lanna Elementary School dito sa Solana, Cagayan dahil lagi na lang may bayarin ang mga estudyante rito.
- Kami po ay mga concerned teachers dito sa Region 8 na naging biktima ng bagyong Yolanda. Kami po ay lumalapit sa inyo upang maiparating man lang sa kinauukulan ang tungkol sa benefits na hanggang ngayon ay hindi pa po naibibigay sa amin ng Office of the Presidential Social Fund.
- Irereklamo ko lang po iyong kalsada rito sa amin. Mula po Cacarong, Pandi hanggang Camachilihan, Bustos dahil grabe na po ang sira. Nakaangat na nga po iyong mga sirang semento.
- Hihingi lamang po kami ng tulong, mga retired po kaming sundalo at hirap kaming maka-claim ng Retirement and Separation Benefits System (RSBS) namin. Sana po ay maipaabot ninyo sa pamunuan ng RSBS ang aming hinaing dahil matagal na po kaming retirado at lagi lang kaming pinaaasa, pero hindi naman nila nire-release ang benefits namin. Lagi na lang silang nagdadahilan.
- Pakikalampag naman po ang LTO Cabanatuan City dahil magwa-walong buwan na po pero hanggang ngayon ay wala pa ang license card namin. Pero ang mga bagong kukuha ng license ay mayroon kaagad ID. Ang sa amin ay ini-extend lang nila ang temporary permit.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo