AKO PO AY empleyado sa isang recruitment agency. Ang amin pong agency ay isang korporasyon. Kamakailan ay idinemanda ng illegal recruitment ng isang aplikante ang korporasyon at mga pinuno nito. May balita na pati ako ay idedemanda rin. May sabit po ba ako? ‘Di po ba iba ang personality ng korporasyon kaysa mga empleyado nito? ‘Di po ba korporasyon lamang ang dapat managot sa kaso? – Loida ng San Jose, Nueva Ecija
TAMA ANG SABI mo na ang isang korporasyon ay may hiwalay na personalidad. Sa panahon ng kasuhan, ang maaari lamang habulin ng batas ay ang mga ari-arian na pag-aari ng korporasyon at hindi ang mga personal na ari-arian ng mga kasosyo rito.
Ganunpaman, sa isang kasong kriminal tulad ng illegal recruitment, maaaring managot ang mga opisyales nito sa kasong illegal recruitment. Isinagawa nila ang krimen sa ngalan ng korporasyon at nagamit nila ang korporasyon para magkaroon ng “legalidad” ang kanilang operasyon. Kaya nga sa maraming kaso, ang hinahabol lamang ng batas ay ang mga pinuno ng korporasyon.
Paano naman ang katulad mong isang ordinaryong emple-yado?
Ayon sa batas, maaari ka ring sumabit kung aktibo kang na-kilahok sa iligal na gawain ng korporasyon. Kahit ‘di ka opisyal, kung ikaw naman ang naging kasangkapan ng mga opisyales ng inyong kumpanya, hindi ka rin malilibre sa asunto.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo