SINASABI NI Daiana Menezes na okey sila sa ngayon ng asawa niyang si dating Congressman Benaldo. Pero kapag nai-interview ng press people ay umiiwas naman siyang matanong tungkol dito.
“’Yong lovelife, medyo kalimutan natin for the moment,” aniya nga nang makakuwentuhan namin matapos siyang mag-guest sa Sunday All Stars (SAS) kamakailan. “Trabaho na lang muna. Kasi natuto ako, eh. Ang daming… magulo pala kapag may lovelife, ‘di ba?”
Gano’n pa man, hindi talaga maiiwasan na huwag siyang mausisa kung kumusta na sila sa ngayon.
“Okey naman po siya. Wala naman po kaming problema. Pero ayoko po muna siyang pag-usapan talaga. Ayokong pag-usapan ang relationship namin. Oo. And hindi naman sa gusto kong maging private ang tungkol dito. Ano lang… I don’t think siya ‘yong taong dapat kong pag-usapan. Dahil… wala. Meron din akong mga… feelings. Parang gano’n.”
Ano lang pala ang mga gusto niyang pag-usapan sa mga pagkakataon na nakakausap siya ng mga taga-media?
“’Yong tungkol sa trabaho ko po. ‘Yong mga TV guesting. And ‘yon… itutuloy-tuloy lang natin. May mga magazine pictorials pa ako na upcoming. So, that’s it. At saka ‘yong mga endorsements ko. Kung may ibang offers pa naman, I’m just here in the Philippines. And I love it here. So, I will always just keen on doing my work.
“Ang feeling ko nga sa ngayon, it’s like… bagong buhay. Alam mo ‘yong gano’n? Kasi it’s like I was born again. Dahil sa lahat ng nangyari sa akin. Ang dami kong natutunan. Ang dami kong naging mistakes na… hindi ko na gagawin ulit. Ang dami kong… basta, nag-mature na po ako. And I think… human naman po tayo talaga, eh. ‘Di ba? Nakakagawa naman talaga tayo ng mistakes. So, natututo rin naman po tayo sa mistakes na nagagawa natin.”
Ano ba ‘yong biggest mistake na nagawa niya?
“Marami naman po tayong nagagawang mistakes sa buhay natin, eh. And you really have to think before you do any major decision sa buhay mo. I hope you guys can get it between the lines.”
Ang biggest lesson naman that she have learned mula sa kanyang mga pagkakamali? ‘Yong gusto niyang ma-impart sa iba?
“Ah, ‘yong mga babae, huwag n’yong ira-rush ang lovelife. Dahil maraming-marami na puwedeng mangyari sa buhay mo. At marami kang puwedeng ma-enjoy. Bago ka pumasok sa isang talagang seryosong relationship. And ‘yon nga… huwag n’yo ring pabayaan ang trabaho. Kaya ako, bagong buhay talaga.
“I feel good naman na ngayon, may mga sumusuporta pa rin sa akin. Although meron ding iba na… ayaw. Pero I’m sure, one day mari-realize din nila kung gaano kasakit kung sila ang nasa lugar ko.
“Okey lang naman kung sisihin nila ako o idya-judge. Kasi, kanya-kanyang opinion lang naman ‘yan. And alam ko naman nga na hindi masyadong maganda ang nangyari. Hindi very positive to talk about ‘yong past experiences. Pero that’s life. And I accept it really well. And I’m moving on.
“Feeling ko, parang I made up still talaga. Kasi until now, hindi pa ako umiiyak. So ‘yon nga, I’m there as a wife naman to stay beside her husband all through out. Na… alam mo ‘yon? Sa lahat ng mga pinaghirapan mo. Sa lahat ng masamang nangyari sa relationship. And of course… after, too.
“So, I just hope na hindi ulit iyon mangyari sa buhay ko,” sabi pa ni Daiana.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan