PAMBIHIRANG MAG-IMBENTO ng colloquial expressions ang Pinoy. Nariyan ang jeproks, dyowa, patok, senglot, silahis, baduy. At nariyan din ang kapalmuks.
Ang kapalmuks ay pinagsamang dalawang salita: makapal at mukha. Kaya, kapalmuks. Bakit ito ang ating paksa?
‘Di iilan sa mga hanay ng pulitiko at silbing-bayan ang ampat na ampat na taguriang kapalmuks. Marahil sila ay maiinis. Subalit ang tawag-pansin na ito ay para sa kanilang kapakanan. Talagang ganyan. ‘Pag ikaw ay silbing-bayan, target ka ng puna at batikos ng sinuman.
Topnotcher ay isang babaeng kasapi ng gabinete. Very high profile at ang umagahan, tanghalian at hapunan ay interviews sa media. Nakakadiri na. Labis ang tingin sa sarili. Kamakailan, siya ay nagtatalak at nagwala dahil sa ‘di pagkahirang sa kanya sa JBC list. Maraming bumilib sa kapal ng apog. Pinangalandakan niya, na siya ang the most qualified at pinagbintangan ng conspiracy ang mga kaanib ng JBC laban sa kanya. Pwe!
Pumangalawa isang batang-batang gabinete na nag-aambisyon maging senador. Sa mga billboards sa Kamaynilaan, sa mga infomercials sa radio-TV at pahayagan, kalat ang mukha at pa-
ngalan. Akala ko ba bawal ito sa matuwid na daan ni P-Noy? Ano ang K ng pulitikong ito? Bakit ganyan na lang ang lakas niya sa Pangulo?
Pangatlo ay isa ring batang-batang kongresista na nasa pundilyo ng kanyang amang tradpol sa Senado. Aba ang kapal ng mukha sa pagsama sa pamimigay ni P-Noy ng relief goods sa mga binaha sa Central Luzon, gayon siya taga Southern Tagalog. ‘Di ba early politicking ‘yon. Ang kanyang ama ang nagpahamak kay dating Pangulong Erap sa pagsulat ng isang diary na ginamit na basehan ng Supreme Court. Deadly ang mag-amang ‘yan.
Sa susunod na pitak, iba pang mga kapalmuks. Saglit lang maghuhugas ako ng mukha.
SAMUT-SAMOT
HAMAK NATIN kung ‘di naimbento ang cellphone. Ano na ang mundo ngayon? Pinabilis o pinabagal ba ng cellphone ang buhay natin ngayon? Parang kakabit na ng bituka ang cellphone. Maiwan mo sa bahay o kung saan, ‘di ka mapakali. Oras-oras, minu-minuto, hawak mo. Paggising sa umaga, una mong tinitingnan. Bago matulog hinahanap din. Cellphone ay pinagpapatayan. Maraming balita tungkol dito. Mga tsimay, eksperto sa cellphone. Bakit kaya? Ganyan din dalawang apo ko. ‘Di na ‘ko matutong mag-text. Ewan kung bakit. Cellphone, miracle ng ating siglo. Papa’no na kung walang cellphone?
BAKIT ANG tao ay pinagkakaabalahan ang sitwasyon sa Mars samantalang narito ang aksyon sa mundo? Bilyun-bilyon ang nagugugol sa space explorations, halaga na maaaring ma-
gamit sa milyun-milyong nagugutom sa Africa at iba pang depressed na bansa. Bakit ganito ang atensyon natin? Sa CNN, araw-araw ipinakikita ang mapamatay na gutom sa nasabing continent. Mga may sakit na bata, karamihan biktima na ng AIDS, tuberculosis, cholera at pneumonia. Walang nagkakawanggawa o nagmamalasakit. Kung may nilalang man sa Mars, anong pakialam natin. Ayusin muna natin ang buhay sa ating mundo bago tayo mag-usyoso sa ibang planeta.
17 MILYONG kalalakihan ang naninigarilyo sa ating bansa. No. 13 tayo sa dami ng naninigaril-yo sa buong mundo. Sa mga malls o rock bars, ‘di na rin kagulat-gulat na makakita ng teenage girls na naninigarilyo habang nag-iinuman. Nakababagabag na sitwasyon. Ang paninigarilyo ay pinagmumulan ng iba’t ibang deadly diseases.
AWAY, BATI. Ito ang takbo ng pulitika sa ating bansa. Masdan natin ang nabubuong LP senatorial ticket. Apat na senatoriables galing sa NP ni Sen. Manny Villar. Nu’ng 2010 elections, halos araw-araw nagbabangayan ang NP at LP. Ngayon, sundo na uli. Alliance for political convenience. Not out of principles. Ito ang dahilan ng kapalpakan ng democratic system natin.
PAYO NAMIN, itigil na ni Gng. Cynthia Villar ang kanyang TV infomercials. Nakakayamot at nakakainis na. Maaring mag-boomerang ang mga ito sa kanyang kandidatura. Gayon din si TESDA director-general Joel Villanueva. Baklasin na niya ang kanyang giant billboards sa highways at major thoroughfares. There is no need to advertise and promote TESDA. ‘Di ba kakandidato rin siya?
PALUBOG NA nang palubog ang kalagayan ng Maynila. Ang baho-baho, ang dumi-dumi. Sa harapan mismo ng City Hall nagtambakan mga nilalangaw na basura. Gumala kayo sa mga palengke. Ganyan din ang sitwasyon. Napag-iwanan na sa kaunlaran ang lungsod ng Makati, Q.C. at Taguig.
NILALANGAW ANG NCAA basketball tournament samantalang ang UAAP ay sabog sa takil-ya. Dekada ‘70 hanggang ’90, patok ang NCAA na nag-produce ng basketball greats kagaya ni Caloy Loyzaga. Nag-deteriorate ang uri ng laro ng NCAA. Ang UAAP ay umani ng ibayong support sa business moguls like Danding Cojuangco at Manny Pangilinan. Mas pinanonood pa ngayon ang UAAP games kaysa PBA games.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez