0926-648xxxx – Mr. Raffy Tulfo, magandang araw sa inyo! Nais kong idulog sa inyo ang nangyari sa aking anak sa pagkuha niya ng NBI Clearance d’yan sa may Alabang, Muntinlupa. Nag-renew kasi siya at may mali sa middle name. Pinagbayad ulit siya para raw sa panibagong process para after 2 weeks puwede nang makuha ulit. After 2 weeks, na-release naman ‘yung NBI Clearance. Ang siste, may panibagong mali na naman. May kulang naman sa pangalan niya. Ngayon, ayaw na nilang palitan dapat daw magbayad uli ng panibagong P115. Ang masaklap pa, ayaw nang entertain-in ang anak ko dahil nakakaistorbo na raw siya samantalang sila ang merong pagkakamali. Kaya naglakas-loob na akong ilapit sa inyo ang problemang ito. Sana ay matulungan ninyo ang aking anak at sana ‘di na maulit pa sa iba ang sinapit ng aking anak dahil sa kanilang pagkakamali. Maraming salamat po!
0920-674xxxx – Good day po, Idol! Makisuyo naman po kami dyan sa lugar ng Dau, Pampanga, partikular na sa may Jollibee, sobra na po ‘yung mga porter d’yan kasi kukuntratahin nila ang pasahero ng P1,500 o P2,000 pabalik ng Maynila tapos kukunin nila ‘yung kalahati kapag ‘di ka makapagbigay. Tatakutin pa ang driver na bugbugin ‘pag hindi nagbayad. Paki-check naman po Idol. Isa po akong taxi driver at avid listener ny’o. Salamat po!
0939-596xxxx – Hi, Sir Raffy! Isa po akong concerned parent ng isang estudyante at nais ko pong isumbong ang Afga Elementary School ng Tangalan, Aklan kasi po may mga pinapagawa sa eskuwelahan na sa parents humihingi ng contribution tulad ng pambili ng mater-yales saka po pampasuweldo sa janitor. Kawawa naman po ang mga parents, kasi wala naman kaming hanap-buhay. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat po sa inyo at mabuhay po ang inyong programang WANTED SA RADYO!
0905-353xxxx – Isang magandang araw po sa inyo, Boss Raffy! Sir, gusto lang po naming iparating sa inyong kaalaman ang matagal nang problema ng mga tricycle driver dito sa aming lugar dahil araw-araw nagbibigay kami ng bayad na P30 bawat isa. Mabigat po ito para sa amin lalo na sa mga nakikilabas lang kasi bukod du’n may butaw pa sa TODA na P20 kaya P50 lahat ang nawawala sa amin kada araw. Ang Mayor po kasi namin dito sa lungsod ng Pasig, wala namang aksyon at hanggang ngayon ay wala pa ring puwesto na ibinibigay sa aming mga tricycle driver. Sana po ay matulungan ninyo kami na kalampagin ang tanggapan ni Mayor. Maraming salamat po!
0907-781xxxx – Good day po Sir Tulfo! Nais lang po naming follow-up sa pamamagitan ng inyong programa, ang tanggapan ng DPWH tungkol sa hinukay nila rito sa aming kalsada sa Evangelista St., Bgry. Bagumbuhay, Project 4, Quezon City na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaaksyunan at hindi pa tinatabunan. Delikado po kasi ito para sa amin na dumadaan sa nasabing kalsada mas lalo na pagkagat ng dilim, at kapag umuulan naman ay binabaha. Umaasa po kami na inyong matutugunan ang aming hinaing na ito. Salamat po nang marami!
0921-258xxxx – Sir Raffy, gusto lang po naming isumbong sa inyo na rito sa aming barangay sa Mauway, Mandaluyong City ay may bayad na P600 per hour ang paggamit ng basketball court at kailangan ay regular customer ka para makuha mo ang schedule na gusto mo.
Shooting Range
Raffy Tulfo