HATAW SA KATATAWANAN ang naging panayam namin kina Eugene Domingo, Tuesday Vargas, John Lapus, Tom Rodriguez at Angelica Panganiban sa grand presscon ng kanilang pelikulang Here Comes The Bride sa Dolphy Theater. Matagal din silang nawala sa Kapamilya network, kaya ganoon na lang ang excitement nila makagawa uli ng pelikula sa Star Cinema.
“Tuwing pumapasok ako rito sa ABS, talagang sinasabi nilang Kapamilya, totoo ‘yun. Ang pakiramdam mo, parang nakikipag-reunion ka, nag-a-attend ka ng special occasion so, walang nagbago. Ang mga kaibigan ko rito, kaibigan ko pa rin. Mas lalong ko pang naging kaibigan kasi, kapag naghihiwalay kayo du’n mo mararamdaman kung ano ‘yung feedback. In general, ako talaga kahit sa pamilya namin, mahilig talaga akong umalis at bumabalik. Umaalis, bumabalik, ganyan ako, eh. Ang Kapamilya ko, pamilya pa rin, ang Kapuso ko, pusuan din, mga kapatid ko, kapatid din. Ako’y hindi naniniwala na ang tumatawid ay nakamamatay!” Pakuwelang turan ni Eugene.
“Ako naman, hindi ko sila na-miss dahil madalas kaming nagkikita. Once a week, mayroon kaming inuman, chikahan kapag may kaibigan kaming taga-ABS na magbi-birthday. Minsan may ikakasal, nagpapabinyag, babang-luksa, forty days, invited pa rin ako. So, walang nagbago. Nagkataon lang na nagtatrabaho na kami sa magkakaibang TV stations. Ako’y natutuwa na mayroong oportunidad tulad nito na magkatrabaho uli na kasama sila,” dugtong naman ni Sweet.
“Sa akin naman, nakakatuwa dahil sa tatlong network na binibigyan ako ng trabaho. Dahil naniniwala sila sa kaya kong gawin. Everytime na pupunta ako sa ABS, hinahanap ko ‘yung picture ko sa hallway, bakit wala na? Ganu’n! Wala ba? Akala ko nagkaroon, na-excite pa naman ako… ako pa naman, ‘yun na! Gusto ko po talagang magka-picture sa hallway dahil wala ako… para everytime na dadaan ako… sa GMA, nakakatuwa rin po kasi umeere pa rin ‘yung mga na-tape kong palabas. Binigyan din ako ng pagkakataon du’n. Ganu’n din sa TV5, tamad ako roon, kasi lima ang shows ko sa kanila. Nakakaloka sila, para bang wala nang artista. Ako lagi ang kinukuha nila. Pahingahin naman ninyo ako. Ha-ha-ha! Sa isang linggo apat na beses akong lumalabas sa TV. Ultimo ‘yung nanay ng aasawahin ko… sabi, ‘natutulog ka pa ba?’” Tsika naman ni Tuesday na super aliw kay Tom Rodriguez na kasama rin sa pelikula.
“Pinaglalaruan namin si Tom. Tuwing nakikita namin siya, kahit anong pagod, kahit anong puyat, nawawala! Tapos ang bangu-bango, ang bait-bait, pahawak… ganu’n,” sambit pa niya.
Siyempre, kinulit namin si Angelica kung malapit na silang lumagay sa tahimik si Derek Ramsay. If ever, wedding of the year kaya ang kasal ng dalawa? “Simple lang, mas gusto ko ‘yung tahimik lang…” matipid na sagot ni Angel.
Usap-usapan pa rin ang pagkakaroon ng attitude problem ni Angelica. Anong masasabi niya tungkol dito? “Marami kasing inggitera…” say niya.
If you could switch places with anyone in showbiz, kanino ninyo (Angel, Tuesday, Sweet, Tom and Eugene) gustong makipagpalit ng puwesto? “Governor Vilma Santos… maramdaman ko man lang na minsan sa buhay ko na si Vilma Santos ako, Star!” Simple, pero makahulugang wika ni Angelica.
This coming June 6, tutulak patungong Africa sina Angel at Derek for a pleasure trip. One month silang mamamalagi roon. What if biglang mag-propose ng marriage ang actor at doon na sila magpakasal, willing kaya ang dalaga? “Hayaan natin si Derek, mas maganda ‘yung galing sa puso niya. Kahit nasaan pa kami, kahit saan pa mangyari ‘yun, bongga na ‘yun. Ang importante, hindi ‘yung kung nasaan kami… kung sakaling gusto ko, dito para nandito ang pamilya namin,” pahayag ni Angel.
“Kay Angelica na lang, lalayo pa ba ako? Matikman mo man lang si Derek. Ha-ha-ha! Gusto kong magpa-dulas sa abs ni Derek, mayroon pa akong 52 days…” sundot naman ni Tuesday na nakatakda nang ikasal sa non-showbiz boyfriend.
“Malamang na Kris Aquino na ako, jackpot na ako. Matitikman ko pa si James Yap, ‘di ba? Mayaman, tapos magiging kapatid ng Presidente ng Pilipinas so, why not?” tsika ni Sweet.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield