KAPAMILYA STARS, PINAGKAGULUHAN SA BAGUIO!

NASAKSIHAN NAMIN KUNG gaano pinagkaguluhan sa grand float parade sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival 2011 sa Baguio last Feb. 27 ang mga Kapamilya stars na sina Jessy Mendiola, Empress Schuck, at ang Gigger Boys na sina Enchong Dee, Aj Perez at Benjamin ‘JR’ de Guzman.

Sa simula pa lamang ng parada sa may Session Road, dinumog na ng mga taga-Baguio si Benjamin. Mga nakakabinging tilian ang pumailanlang sa ere habang isinisigaw ang pangalan ng teen actor. Maraming fans din ang nakipag-picture sa kanya.

SA EDAD NA 22 years old ay handang-handa na si Nadine Samonte sa experimental roles tulad ng ginagampanan niya sa  bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang My Lover, My Wife.

“Let’s face it, marami nang mas bata sa atin ngayon. Sila na ang nabibigyan ng mga pagkakataon na magbida. Okey lang sa akin, kasi nakapagbida na naman  ako ng ilang beses. Tsaka okey lang for me na magbigay naman ako ng suporta sa mga bagong artista  ngayon.  Dara-ting at darating din naman ang lahat ng artista sa ganyan posisyon, di ba?” sabi ni Nadine.

Ilang beses na ring nagbida ang aktres sa mga teleserye ng GMA-7 tulad ng Now & Forever Presents Ganti, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Maging Akin Ka Lamang, Tinik Sa Dibdib, at Super Twins. Kaya naman daw very challenging ang role na naatang sa kanya sa afternoon soap ng GMA-7.

“Nakaka-pressure ang maging bida talaga. Kasi nakasalalay sa ‘yo ang buong istorya ng series, e. Napagdaanan ko na kasi ‘yan and very grateful ako sa GMA-7 at sa TAPE Inc. na pinagkatiwalaan nila ako sa maraming projects,” pahayag niya.

MAPAPANOOD NA NG libre ang mga programa ng GMA News TV – ang kauna-unahang news and public affairs channel sa free TV.

Kahit walang cable, maaari itong mapanood. At ang isa pang magandang balita, ang news TV ay available din sa very high frequency o VHF na nangangahulugang mas malinaw ang signal, kaya naman mas marami ang makakapanood ng mga balita, public affairs  at public service programs, investigative programs, documentaries, at mayroon din siyempreng lifestyle at sports program.

‘Yan ang pinalawig na serbisyong totoo hatid ng GMA News TV channel 11. Mapapanood din ito sa Cebu at Davao sa Channel 27.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleTIYAK NA MAGRE-REACT ang palaban ding singer-actress (SA) ‘pag narinig niya ang tinuran ng isang sikat na TV personality (TVP) patungkol sa kanyang anak na babae
Next articleOWWS?! BILLBOARD NI IZA CALZADO, SWIMSUIT LANG ANG NIRETOKE!

No posts to display