MAUGONG ANG CHIKA sa apat na sulok ng showbiz na after Mark Bautista, lilipat na rin si Rachelle Ann Go, mula ASAP XV patungong Party Pilipinas, ang direct competitor ng Sunday noontime variety show ng ABS-CBN, dahil pa-expire na this week ang kanyang contract dito (or kung tama ang impormasyong nasulat, April 4 ang expiration ng contract ni Rachelle).
Sa kanyang Twitter account, hindi itinanggi at hindi rin inamin ni Rachelle Ann ang paglipat sa Party Pilipinas. Sinabi lang nitong: “Sa lahat po ng nagtatanong… Hindi ko pa po alam sa Viva kung anu’ng kaganapan… Mangyayari ang dapat mangyari… Let’s not worry.”
Iisa ang management company nina Mark and Rachelle – ang Viva Artists Agency, at dahil bakasyon pa habang tinitipa namin ito, wala pang reaksiyon mula sa manager nilang si Veronique del Rosario-Corpus kung totoong nag-last appearance na si Rachelle sa ASAP XV kahapon (Linggo, April 4).
Come to think of it, any manager would like the best sa kanilang talents. Sa Party Pilipinas, ang dialogue ng mga nakapapansin ay “star na star” ang treatment kay Mark sa show. Hindi kaya gano’n ang naging feeling niya sa ASAP XV?
As for Rachelle, isa sa the best singers of her generation ito. Walang kuwestiyon kung bumirit ng pinakamatataas ng awitin, kaya nakapagtataka na kung totoo mang may offer ang GMA sa kanya, walang naging counter-offer ang Dos?
“Baka mas mag-reyna si Rachelle sa Party Pilipinas dahil one of those nga lang siya sa ASAP,” sabi ng isang kausap namin. “Hindi na kasi masyadong marami ang spots nina Regine Velasquez and Jaya unlike before, so ‘yung mga mahuhusay na singers like her ay welcome.”
Say naman ng isang ‘di pabor, “Sayang si Rachelle, ang ganda naman ng exposure niya sa ASAP, ah? Du’n siya sumikat, ‘no!”
Ang nakakalokah eh, kung totoo rin na mag-ober da bakod man si Rachelle sa Party Pilipinas, ito naman daw homegrown talent ng Siyete na si Gerald Santos eh, siya namang lilipat sa ASAP? As in swapping ito ng talents, gano’n?
Si Rachelle ay grand winner ng Search for a Star noong 2004 na co-produced ng GMA at Viva Entertainment, nagkaroon ng konting stint sa SOP, hanggang sa nakuha na ng ASAP. So, kumbaga, sort of “coming home” uli ang singer sa Kapuso network.
Pero si Gerald Santos na winner ng Pinoy Pop Superstar – again kung true ang chikang magiging Kapamilya na – why oh why na papabayaan na lang ng Siyete, eh mahusay rin naman siyang singer?
Maaaring nasaktan si Gerald nang hindi na siya napasama as hosts ng Party Pilipinas, samantalang home grown talent siya ng GMA?
Puwede ring expired na rin ang contract ni Gerald sa GMA Artist Center at hindi na ito nag-renew dahil nakatimbre na ang ASAP?
MALAPIT NA ANG pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Teen Clash ng Dos, and guess what, pasok dito ang guwapong kapatid ni Aljur Abrenica, grand winner naman ng StarStruck ng GMA!
Unahan nga lang ‘yan sa pagkuha ng talent, pag-build up na rin. Puwede ring minabuti ng parents ni Aljur (we didn’t get the exact name, pero parang “Vim” ang nick), na kung nasa Siyete si Aljur, sa Kapamilya naman ang utol nito.
Na-meet na namin personally ang utol ni Aljur sa birthday ni Direk Maryo delos Reyes nu’ng October 2009 pa, and we can say na malakas din ang dating nito, like his brother. The rest is history na pala after that, dahil naipakilala na ito sa ABS-CBN.
Dumaan din naman siya sa auditions, training, etc. bago nakalusot sa PBB Teen Clash. Tingnan natin kung may karapatan nga ang isang ito, aber?
For feedback, please e-mail us at [email protected].
Mellow Thoughts
by Mell Navarro