HINDI NAIWASANG mahipu-hipuan ang 7 miyembro ng 10-month old at unti-unti nang sumisikat na boyband na Upgrade na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Mark Baracael, Rhem Enjavi, Ron Galang, Armond Bernas, Raymond Tay at Miggy San Pablo sa isa sa kanilang mall show kamakailan na hatid ng Everbilena, Renew Placenta, Hammerhead, Feona Cologne at Fragrances of The Stars.
Sa sobrang daming taong nanonood sa Star Mall Las Piñas, kung saan dumagsa ang kanilang mga tagahanga na nagmula pa sa iba’t ibang lugar mula sa Pampanga, Isabela, Bulacan, Cavite , Laguna, Novaliches, Quezon City, Makati, Caloocan , Navotas, Malabon at sa mismong Las Piñas ay ‘di napigilan ng mga guard ng nasabing mall ang pag-akyat sa stage ng mga tagahanga ng mga ito na naging dahilan para mahipu-hipuan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga miyembro ng Upgrade na dali-daling pinapunta ng backstage.
Laking gulat ng pamunuan ng Star Mall Las Piñas dahil hindi nito inakalang ganu’n kalakas sa mga manonood ang 7 nagguguwapuhang bagets ng Kapuso Network na napapanood bilang regular performer ng Walang Tulugan with The Master Showman at sa Sept. 22 sa Star Mall Edsa kasama sina DJ Joph, Dance Squad at Gina Damaso.
MATAPOS ANG masasayang araw sa Hong Kong, kung saan napasaya nila ang libu-libong OFWs at nagliwaliw sa Hong Kong Disneyland, matinding lungkot naman ang naranasan ng mga Artista Academy students, dahil apat ang sabay-sabay na na-kick out sa kanila.
Hindi na nga naisalba ng kani-lang grades at text votes ang mga estudyanteng sina Alberto Bruno, Marvelous Alejo, Nicole Estrada at Stephanie Rowe, kaya sabay-sabay nilang ibinalik ang kanilang ID at nagpaalam sa kanilang mga kaklase sa Artista Academy.
8 na lang ang natitirang contenders sa grandest at most intensive artista search na ito ng TV5. Kailangang mas ibuhos pa ng mga estudyante ang lahat ng kanilang makakaya kung talagang gusto nilang makarating sa grand finals at manalo bilang kauna-unahang Best Actor at Best Actress ng Artista Academy.
Ngayong linggo, “fearless” ang challenge na haharapin ng walong natitirang students at gagawa sila ng dalawang horror flicks sa ilalim ng direksyon ng highly acclaimed director na si Topel Lee. Ang short films ay mapapanood sa Artista Academy Live Exam sa darating na Sabado at magi-ging bahagi ng grades na kanilang makukuha mula sa Live Exam critics.
Inanunsiyo rin kagabi ng Artista Academy principal na si Wilma Galvante na magkakaroon ng grupong Tropang Kickout na magkakaroon ng isang production number every Live Exam. Patuloy pa rin ang extensive training ng mga Artista Academy kickouts sa Asian Academy of Television Arts (AATA) at inaasahang ga-graduate bilang mga professional artists. Mapapanood ang Artista Academy Lunes hanggang Biyernes ng 9:00 p.m. at tuwing Sabado ng 8:30 p.m. sa TV5.
NGAYONG ARAW, Sept. 19, na ito magaganap ang birthday concert ng 14 years old at napakagandang apo ni Mommy Thess Palado na si Mary Joyce Palado Pascua sa Palacio De Manila, Roxas Blvd. 6pm.
Kung saan magiging espesyal nitong panauhin ang X-Factor na si Michael Pangilinan, GMA Tweens na si Teejay Marquez at ang sumisikat na Kapuso boyband na Upgrade. Aawitin ni Mary Joyce ang mga awiting siya mismo ang pumili at nababagay sa timbre ng kanyang boses.
Ayon nga sa beautiful daughter ni Tita Thess Palado Pascua, excited siya sa kanyang birthday concert dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipa-
ririnig niya sa lahat ang kanyang magandang boses, bukod pa sa makakasama niya sa nasabing konsyerto ang kanyang mga kaibigan sa showbiz.
John’s Point
by John Fontanilla