NAIMBIYERNA ANG @GMA_FILMS sa mga tweet ni Luis Manzano na ipinagtatanggol si Anne Curtis dahil sa nangyaring kaguluhan recently sa USTv Awards.
“Apparently only you found it funny. Calling on a campaign to fight for some1 should be taken seriously. Shame on you,” tweet ng @GMA_FILMS na ewan namin kung talagang GMA films nga ang nag-tweet.
But just the same, gentleman that he is ay nag-sorry si Luis sa mga Kapuso. “My point lang was kulitan and wasnt anything serious, sincerely sorry and apologies to the kapusos who found it offensive :)” tweet ni Luis.
He again apologized to show his sincerity. “Well once again, if you found my kulitan offensive and the rest of the kapusos too, my sincerest apologies, my bad :)”
Ito ang mga posts ni Luis sa Twitter noong kasagsagan ng intriga kay Anne:
“Hindi nagpakahirap ang ating mga ninuno para ganunin lang si @annecurtissmith , makibaka!!!! makibaka!!!! #katarunganparakaynippy”
“Mabuhay ang Thomasians!! Mabuhay ka Nippy ko!!! Makibaka!!! Makibaka!!! Kay nippy tayo!!!!!!! :)”
“Kay Nippy tayo, ‘wag bibitiw!! Ma-kibaka!!! Makibaka!!! Katarungan para kay Nippy!!! Lalaban tayo!!!”
“Lalaban tayo para kay Anne/Nippy!! Hindi tayo hihinto sa laban para sa hustisya!! Mabuhay siya!Please make it trend”
“Isa isa lang lang #katarunganparakaynippy , pag marami sa isang tweet considered as spam, isa isa lang, kaya natin to!!!! lalaban tayo!”
“Iba talaga ang boses ni @annecurtissmith , dapat marinig ng kahit anong paaralan, di pwede ipagkait!! i trend na!!”
NAPABILIB NI DIANE Ventura ang press sa short film niyang TheRapist.
Si Diane na dating partner ni Ely Buendia ay nagdidirek na at sumusulat na rin ng films.
“I studied Arts at UP Diliman pero lumipat ako ng Advertising Management sa DLSU,” sambit ni Diane. Nag-aral din siya sa New York University at nagamit niya ito to the max sa kanyang maiden project, ang TheRapist na tinapos lang niya sa isang araw.
Sabi ni Diane, pumayag siyang gawin ang TheRapist on one condition – na si Cherie Gil ang gaganap na therapist.
“Sige, if you get Cherie Gil pero if you don’t I’m not gonna make it,” sabi ng first time filmmaker.
“Ayun, they send the script. After daw she read the script she said “I’m in”. She didn’t even know me. Doon sa script, I couldn’t think of anyone else that could give justice sa role kasi ‘yung mga words na ginamit ko parang na-imagine ko na siya lang ‘yung makakapaglabas ng words na ‘yon in such a way na hindi siya magmumukhang pretentious or acted out,” esplika ni Diane.
The movie, all of 15 minutes, was truly a work of art. Ang galing ng pagkakasulat lalo pa’t may standard opinion ang mga tao sa rapist. Diane tackled the concept of rape in a manner that is not usually done in films. She presented an explosive yet intelligent side of what is otherwise known as a crime of a sick person. Her camera work is outstanding. Ang ganda ng rehistro ni Cherie at Marco Morales at very engaging
ang discussion about rape.
Truly, Cherie Gil is a perfect choice. Ang galing ni Diane in her initial foray to filmmaking. She didn’t fail her audience dahil maganda ang execution at pagkakasulat niya ng material.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas