AS OF presstime, hiningan ng Startalk ng panig si Ferdinand Guerrero tungkol sa ibinabang resolusyon ng DOJ nitong Huwebes (April 10) kung saan pinakakasuhan na ng serious illegal detention at grave coercion ang mga kasama niyang sangkot sa pambubugbog kay Vhong Navarro noong January 22, kabilang sina Deniece Cornejo at Cedric Lee.
Non-bailable ang kasong serious illegal detention.
In hindsight, Ferdinand was the last among the cohorts to have appeared before the DOJ. Siya rin ang may edad na lalakeng parang abogado kung magsalita in crisp English.
A text reply sent to Startalk by Guerrero reads: “The DOJ has obviously exercised a grave abuse of discretion. Enough said! I’m out of here! Time to explore new places in Asia.”
Pero duda namin, Ferdinand must be lying nang sabihin niyang nasa airport na raw siya nang tangkang kunin ang kanyang pahayag ng Startalk.
Dahil ng mga sandaling ‘yon ay ka-text namin ang GMA reporter na si Saleema Refran who was assigned to do the story, agad niyang bineripika sa Bureau of Immigration kung may Ferdinand Guerrero ngang lumabas ng bansa.
Saleema’s inquiry yielded negative result. Totoong may isang nagngangalang Ferdinand Guerrero—a US passport holder—who left the country in January. Pero ang Ferdinand Guerrero na sangkot sa kaso ni Vhong ay nakapunta pa sa DOJ nitong Pebrero.
However, no Ferdinand Guerrero—one of Deniece’s henchmen—fled to any Asian country in recent days or weeks.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III