Karayom

KARAYOM ANG paksa natin ngayon. Nasasaad sa Bibliya: “It’s easy for Camel to pass the eye of a needle than for a rich man to enter the Kingdom of Heaven.” Figurative line. Karamihan sa masalapi ay mahihirapang umakyat sa langit dahil marami silang pag-aari na ‘di nila maiwan-iwan. Walang masama sa pagsisikap yumaman. Walang masama sa salapi. Masama ang salapi kung tayo’y magiging alipin nito. At dahil marami sa mayaman ang alipin ng salapi ‘di sila makaakyat sa langit.

Ang karayom ay napakaliit na bagay. Subalit napakalaki at napakarami ang pinaggagamitan nito. Sa medisina, karayom ang isa sa pinakamahalagang instrumento. Sa paghahabi ng ating kasuotan, kailangan ang karayom. Sa computer chips, kailangan ang karayom. At marami pang iba.

Ang malalaking bagay o pangyayari ay nagsisimula sa maliit na bagay o pangyayari. May ka-sabihan sa Ingles: “Small is beautiful.” Ang pinakamaliit na seedling ay ang mustard seed. Subalit ‘pag itinanim ang isang punla nito, inalagaan at pinagyaman, ito ay magiging isa sa pinakamala-king puno sa buong mundo.

Ang 1896 Revolution ay nagsimula sa “Cry of Balintwak”. Isang maliit na pangyayari na nagpasimula ng ating himagsik laban sa Spain. Ang pagbomba ng Pearl Harbor ay nagpasiklab sa World War II. At marami pang iba.

At dahil sa nalalapit na Pasko, isang maliit na pangyayari sa Bethlehem ang nag-anak ng Kristiyano. Ang birth ni Jesus sa maliit na sabsaban ay nagbukas sa atin ng kalangitan.

‘Pag nakahahawak ako ng karayom, mga ganito ang pumupukaw sa aking isip. Ang kadakilaan ay ‘di nagsisimula sa malalaking bagay. Sabi sa Bibliya, “a drop of water given to a thirsty man in my name will merit the giver the kingdom of heaven.”

SAMUT-SAMOT

 

THE 7TH most wanted man in Muntinlupa City who went into hiding after he was accused of murder in 2009 was finally captured by the police after he came home for undas to visit his parents. Nabbed was Roland Sagun, a 22-year old former pedicab driver based on a warrant in August 2011 by Judge Imelda Fabros. He was accused of killing the boyfriend of his former girlfriend. He was in hiding for 3 years.

KADA ELEKSYON, ang isyu ng political dynasty ay sumusulpot na parang kabuti. Pagkatapos mainitang pagtalunan, wala namang nangyayari. Walang may lakas loob na mag-file ng anti-dynasty law. Lahat kasi ay sabit. Kaya sang-ayon ako sa pananaw ni dating Pangulong Erap na pabayaan na ang botante ang maghusga. Tutal kung ‘di nila iboboto, walang mangyayari. Hohum…

WALA NA yatang solusyon sa palagiang pagtaas ng elektrisidad. Ang pinakamababang ibinayad ko buwan-buwan ay P20,000. Kaya ‘pag matatanggap ko na ang bill, ninenerbiyos na ako. Ito ang pinakamahal kong gastusin. Bakit ganito? Ang daming charges na ‘di maipaliwanag ng Meralco. Pati losses ay charged to us. Anong papel ng Energy Regulatory Board?

HANGGANG NGAYON ‘di ko pa maintindihan kung bakit ang Sky Cable programs ay bugbog ng commercials. ‘Di ba nagbabayad tayo para ‘di na mapundi ng mga nakababaliw na commercials. Kaya nga pang-TV, bigyan ng relief ang commercials.

BRAD PITT has agreed to donate $100,000 to help the Human Rights Campaign raise money for its efforts to support same-sex marriage initiatives in several states. The nation’s largest gay rightist group announced that Pitt agreed to match contributions from the group’s members up to $100,000. Same-sex marriage will be on the ballot in Maryland, Maine, Minnesota and Washington. The Washington Human Rights Campaign has split $8-M to pitch for marriage equity.

BUTI PINAIGTING ang manhunt sa limang high-profiled fugitives: Gen. Jovito Palparan, Cong. Ruben Ecleo, Reyes brothers at Delfin Lee. Pinaiikut-ikutan nila ang lambat ng batas. Pati Interpol ay inutil. Bahid ito sa efficiency ng ating law enforcers. Kamakailan 3 co-accused sa PCSO plunder case ay nakaalis na ng bansa. Sila ay sina Joe Taruc, Jr., Fatima Valdez at Rosario Uriarte. Balita sila’y nasa U.S. Dapat ay i-cancel ang kanilang passports.

MATIWASAY NA naidaos ang nakaraang Undas. Wala halos violent incidents sa loob at labas ng sementeryo. Nangangahulugan ito na ang mga tao ay naututo nang sumunod sa pinag-uutos ng batas. Papurihan din ang mga kapulisan lalo na si NCPRO Supt. Leonardo Espina.

MAGLATAG NG isang comprehensive program para bumalik ang tiwala ng mamamayan sa kapulisan. ‘Di magagawa ito ng patchwork initiatives. Tama ang dagliang aksyon ni Espina sa scalawags. Nitong huling araw, bumaba ang insidenteng kinasasangkutan ng mga pulis. Wala na rin halos nangyayaring kotongan.

MAGKAKAROON BA ng full cabinet revamp next year? Malakas ang ugong ng balita. Mid-year na si P-Noy at dapat nang magkalas ng non-performers. Ano ang dahilan ng pagkatalaga kay Rene Almendral bilang cabinet secretary? ‘Di ba ito’y palihim na sampal kay Exec. Sec. Jojo Ochoa? Pareho ang functions nila.

HATIAN. TULUNGAN. Ito ang kanais-nais na kultura ng mga Dumagats at Aetas. ‘Pag nakahuli ng isa o dalawang usa o baboy-damo, lahat sa kumonidad ay nagsasalo-salo. ‘Pag may sakit ang ka-trib0o, lahat ay tumutulong. Damayan ang umiiral sa isa’t isa sa kanila. ‘Di natin masasabi ito sa maraming Kristiyano. Kasakiman, pagwawalang-bahala sa kapakanan ng nakararami ang tuwina’y umiiral. Ang kapakanan ng ating cultural minorities ay ‘di natin binibigyan ng pansin. Sa U.S. ang colonies ng mga Indians o iba pang minorities ay pinahahalagahan.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleSino nga ba sila?
Kissing Scandal Pic, Pinagpipiyestahan sa Twitter!
Next articleMga Balasubas na Waldas!

No posts to display