MARAMI ANG nagulat nang biglang lumitaw si Karla Estrada sa entablado para sa blind auditions ng The Voice of the Philippines. Kinanta niya ang 1992 hit song na What’s Up ng 4 Non Blondes. Kaya lang, wala ni isa man kina Lea Salonga, apl.de.ap, Sarah Geronimo, at Bamboo ang umikot ng upuan to face her so she failed to advance to the next round.
Kung pinalad daw siya sa blind audition, gusto ni Karla na mapabilang sa team ni Lea. “Kasi siya iyong kinalakihan ko. Meron akong sariling techniques, but gusto kong maturuan niya ako ng technical aspect ng pagkanta,” she explained.
Sinabi ni Karla sa The Buzz na hindi niya sinabi kay Daniel [Padilla] ang tungkol sa plano niyang pagsali sa The Voice of the Philippines because he would surely stop her. “Sasabihin niya, ‘Ma, ano ba iyan, bored ka ba?’ Hindi ko na sinabi, dire-diretso lang ako. Kasi unang-una, siya iyong mas kakabahan. Ayaw niya ako na napapahiya or malungkot.”
Karla didn’t regret participating in the blind audition kahit hindi man siya pinalad. “Siyempre noong sumali ako, nasa isip ko na talaga na kung saan lang ako p’wede. Ang gusto ko lang, ma-experience ko talaga.”
“Tanggap ko na walang umikot kasi alam ko naman na magiging balakid ako sa voting. Aminin na natin ito, kahit siguro pumiyok ako or makalimutan ko ang lyrics, bobongga ang voting ko. It’s so unfair. Totoo lang naman, huwag na tayong chumika. Hindi naman kasi ako pababayaan ng KathNiel fans,” nakakatawang sabi ni Karla.
In a separate interview, inamin ni Daniel na nagulat siya nang makita niya ang kanyang ina sa singing competition. “Nagulat ako. Siyempre bakit siya nandoon, ‘di ba?”
Dagdag niya, “Masaya dahil dream niya na sumali sa mga ganoong contests. Nagulat ako pero happy rin ako kasi gusto niya.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda