PINAG-UUSAPAN PA rin sa It’s Showtime ang ginawang paghalik ni Vice Ganda kay Karylle na nangyari sa nakaraang 6th anniversary celebration ng naturang show.
Biro ni Vice, sabay raw silang nagsuka ni Karylle sa dressing room pagkatapos ng kanilang number.
“Pagkatapos naming maghalikan ni Karylle, sabay kaming sumuka sa dressing room. Oo, sabay kaming sumuka,” say ni Vice.
Pagdating nga raw ni Yael (Yuson, Karylle’s husband) sa dressing room ay nagpapadala raw si Vice sa husband ng actress/singer sa ospital dahil sumama ang pakiramdam nila pareho. Para raw silang na-food poison matapos mag-lips to lips sa harap ng libu-libong fans na nanood sa Araneta Coliseum.
Ayon kay Vice, ginawa raw nila ‘yun ni Karylle alang-alang sa mga fans. Gusto raw kasi nilang pasayahin ang mga tagahanga.
Maging ang kapatid ni Vice ay hindi makapaniwala na nagawa ng sikat na TV host/comedian na halikan sa lips si Karylle. Ang naging sagot daw ni Vice sa kapatid ay just for fun at para raw sa ikaliligaya ng mga tagahanga.
Anyway, hindi maiiwasan na pag-isipan ng kabilang network na kaya ginawa raw ni Vice na halikan sa bibig si Karylle ay para tumawag ng attention dahil aminin man o hindi ay natatalo sila ng kasikatang tinatamasa ngayon ng AlDub ng Eat… Bulaga!
SOBRANG DUSA raw ang inaabot ng mga contestant ng Your Face Sounds Familiar sa tuwing araw ng taping dahil sa prosthetics na inilalagay sa kanilang mukha. Alas-siyete pa lang daw ng umaga ay required na silang dumating sa studio.
Ang siste raw kadalasan ay hapon na raw diumano nagsisimula ang taping kaya super tiis sa kati sa mukha ang mga contestant dahil sa inilagay na prosthetics. Isama pa raw riyan ang mga costume at wigs kung kinakailangan silang i-overhaul para mas maging kamukha ng ginagaya nilang celebrity.
Pero kahit na anong hirap at dusa ang sinapit ng mga contestant ay nagkakasundo ang mga ito na worth it naman daw ang paghihirap nila dahil sangkatutak ang nakapapanood sa kanila sa TV.
Huwag ismolin ang YFSF dahil pinag-uusapan ito at inaabangan sa telebisyon.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo