THANKFUL SI Karylle na nagkaroon siya ng husband na maunawain at naiintindihan ang kanyang trabaho as an actress at TV host. Hindi kasi pumatol si Yael Yuzon sa isyu ng ginawang paghalik ni Vice Ganda sa lips ni Karylle nung anniversary celebration ng It’s Showtime na ginanap sa Araneta Coliseum.
Naging controversial kasi at dinagsa ng negative comments ang ginawa ni Vice sa kanyang spot number, kung saan dalawang beses pa niyang hinalikan si Karylle sa labi.
Inisip tuloy ng mga nakapanood na isang desperadong hakbang ang ginawa ng sikat na komedyante/TV host para lang mapataas ang rating nila laban sa katapat na Eat Bulaga na aminin man o hindi ay milya-milya ang layo sa kanilang show.
Hindi lang si Vice at Karylle ang pinuntirya ng bashers, kundi pati si Yael kung bakit pinayagan niyang halikan si Karylle ngayong may asawa na ito. Dapat daw umalma ang husband ni Karylle na hindi raw maganda sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Pero balewala at hindi na lang pinatulan ni Yael ang patutsada sa kanya ng bashers. Sa halip na patulan, mahinahon nitong sinabi na trabaho lang ang lahat at mag-move on na sa napanood.
Itinanggi rin ni Yael na nagalit siya noon kay Vice. Wala raw ganoong isyu sa kanilang dalawa. At kahit nabalutan ng intriga ang naturang kissing scene ni Vice kay Karylle, hindi pa rin raw bad trip si Yael sa sikat na komedyante/TV host.
IPINATAWAG NG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga executive ng noontime show na Itis Showtime bilang pagtugon sa reklamo ng Gabriela tungkol sa diumano tila “pambubugaw” nito sa kanilang talent na si Angelica Jane Yap o mas kilala sa tawag na “Pastillas Girl”.
Sa liham na ipinadala last October 1, 2015, kasama sa ipinatawag ng MTRCB para magpaliwanag ang director ng show, business unit head, at executive producer ng show para sa gagawing dialogue kasama ang special sub-committee ng MTRCB na Gender and Development (GAP) committee sa October 13.
Ayon kay MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal, kailangang sagutin ang reklamo na ibinabato ng Gabriela, dahil na rin daw umano sa mga complaint natatanggap ng women’s right advocate group sa social media na tila pagrereto kay Pastillas Girl sa mga kalalakihan na tila paglabag sa kaparatan nito bilang isang babae.
Samantalang hindi nakapagpigil ang karamihan sa ginagawa na naman daw pahihimasok sa “pakulo” ng isang programa sa telebisyon. Anordaw pambubugaw ang gustong palabasin ng mga ito. Hindi naman ginagawa sa show ang gawing isang karne or isda si Pastillas girl para ibenta kung kani-kanino.
Tumigil na raw itong mga nagmamarunong. Baka naman daw gusto lang sumakay ng mga ito para mapag-usapan?
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo