NAI-POST NA rin ang kasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa social media. Sari-sari ang opinyong lumabas.
Na karamihan sa malalawak ang utak at hindi maramot sa pang-unawa sa kaligayahan ng ibang tao ay naiintindihan at masaya para naganap na same sex marriage sa US.
‘Yung mga kaibigan ng dalawa, definitely, naintindihan at haping-happy for them.
‘Yung ibang netizens lang, lalo na ang hindi tanggap, nandiyang mandiri, isinusumpa pa ang relasyon, dahil sa mata raw ng Diyos ay kasalanan ‘yon. Na ang akala mo, sila ang Diyos at sila rin ang nagpaparusa. Pero, hello! Nandiyan na ‘yan, masyado kayong affected, eh hindi naman kayo ang gumastos. Anuman ang mangyari sa dalawa, pakialam ba ninyo, ‘di ba?
Me nagsasabi kasi na sana raw ang mga ganitong bagay ay hindi na ipino-post sa social media, dahil nababasa raw ng kanilang mga anak at baka gayahin sa kanilang paglaki.
Kami man ay parent din. Lalo na at apat na babae ang aming anak. Oo naman, magpapakatotoo kami. Gusto naming sa lalaki mapunta ang aming anak. At kung makikita man ng mga kabataan ito sa social media o mapanood sa TV, kaya nga nandiyan ang mga magulang para ipaliwanag sa kanila kumbakit ‘yon nangyari at gabayan sila para hindi nila mahusgahan ang kanilang kapwa.
Saka artista si Aiza, eh. Pareho sila ni Liza Diño, kaya kung pagagalitan ng mga “moralista” ang media kumbakit ikino-cover pa ang kasal ng dalawa, again, bottomline, sa atin uling mga magulang babagsak ang pagpapaalala at paggabay sa ating mga anak.
Hindi naman para isumpa namin sina Aiza at Liza. Buhay nila ‘yan, eh. Kung sila ba ay masaya sa kanilang partner o ginagawa, sino tayo para kumontra? Maibibigay ba natin ang ikaliligaya nila?
Kung ang isang bata sa kanyang paglaki ay kinalimutan na ang pag-aasawa, dahil mas mahal niya ang kanyang alagang aso at dito niya natatagpuan ang tunay na kaligayahan ng kanyang puso at peace of mind, isusumpa n’yo ba siya, dahil mas “nakipagrelasyon” siya sa hayup kesa sa tao?
Bottomline again: bago maging righteous, ayusin muna ang sariling buhay at bakuran, dahil baka balikan ka.
Oh My G!
by Ogie Diaz