VETERAN ACTRESS Boots Anson-Roa and Atty. King Rodrigo tied the knot at Villa San Miguel Chapel, Archbishop’s Palace in Manila last June 14. The wedding was attended by almost 200 guests including the couple’s respective families and showbiz friends like Susan Roces and Manila Mayor Joseph Estrada. Atty. King also celebrated his birthday that day.
Pinangunahan ni Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang wedding ceremony.
Nakausap ng The Buzz ang bagong kasal sa kanilang wedding reception. Boots said, “Feeling ko ngayon, parang chopsuey, fruit salad. Halo-halong tuwa, halong nerbiyos. Parang wow! Totoo ba ito?”
Kuwento naman ni Atty. King, “When I saw her, talaga namang napanganga na lang ako. It was a long engagement. Seven months kaming engaged so this is a dream come true for me.”
Suportado sila ng kanilang mga anak at dating in-laws. “I think it was instant acceptance from both. Iyon nga nakakatuwa dahil marami rin naman kaming anak. I have five, I lost one. She has four, siyam na apo; walo ang apo ko pero they blended so well. Sandaling-sandali lang. Walang problema,” sabi ni Atty. King.
Ano ba ang plano nila sa kanilang honeymoon? “Mayroon pa ba noon, Boots? Nandito pa ang mga anak namin until June so we plan to go to South Korea dahil hindi pa nagpupunta itong si Boots. Sometime [sa] first week of July at doon ang pulot-gata,” pabirong sagot ni Atty. King.
The newlyweds have messages for each other which earned roaring cheers from the press. Patulang sinabi ni Atty. King, “Sinusumpa ko sa iyo, sinta ko, sa harap ng Diyos at sa harap ng tao, na ikaw ay mamahalin ng lubus-lubusan at aarugain hanggang kamatayan. Anumang panahon sa atin ay ibigay, magkayakap nating bibigyan ng buhay; buhay na masaya’t makahulugan, ‘di lamang para sa atin kundi sa lipunan. Buhay na ang sentro ay si Hesukristo.”
On her part, Boots enthused, “Ang naghahari sa akin ngayon [ay] tatlong pakiramdam. Una ay pasasalamat kay Hesus dahil binigay niya si King sa akin. Pasasalamat kay King dahil binigyan niya ako ng pagmamahal niya, itong kasal na ito, pagmamahal na gusto kong ialay sa kanya as time goes by and pangako na I will try my very best to be a worthy wife to him and sana magkasabay kami na bigyan ang kung anuman ang taon pa na ibibigay sa amin ng langit.”
Natatawang singit naman ni Atty. King, “And to be a good mother to our child.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda