IKAKASAL na nga ba si Derek Ramsay?
Sa mga online chatrooms, naging hot topic ang “kasalan” isyu ng sexy hunk na si Derek sa kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca.
Kumalat kasi ang video kung saan nakunan ang isang kaganapan na nakuhan si Joanne na nakadamit pangkasal.
Natawa si Derek sa reaksyon ng netizens.
“Sa pelikula nagpakasal ako. Nag-cameo kami ni Jo sa pelikula ni Echo (Jericho Rosales at Jessy (Mendiola). Kaya kumalat, kasi yung mga role namin dun nagpakasal, so practice pa lang yun,” sabi ng hunk.
Sa pelikulang The Girl in the Orange Dress na official isa sa official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2018 sa December kasama ang “wedding scene”, nina Derek at ng girlfriend na si Joanne.
Para kay Derek: “Yes, it looked real. Sobrang nag-enjoy nga kami kasi I’d like seeing her uncomfortable and she’s so uncomfortable.
“Talagang naninigas siya, ‘Paano ito kung iba ang katrabaho mo, para ka nang bangkay? But she seemed to enjoy it.”
Magso-showbiz na rin ba ang girlfriend niya after the “kasal” scene nilang dalawa sa pelikula ina Echo at Jessy?
“Now she’s shooting a commercial and I can’t say for what. Malay mo, siya na lang mag-artista, ako sa bahay.”
Tungkol sa usaping kasal, napapagusapan na nila ng girlfriend ito. Isang simpe at intimate wedding diumano ang gusto ni Joanne.
“But definitely, in the next three years pa, two to three years definitely. I want a small, intimate one. I really want an intimate ceremony na matututukan ko lahat ng taong nandun to experience and witness.
“I just don’t want to say hi and hello. I want it to be really intimate. Not something really, really big,” na in short ay hindi showbiz na showbiz.
Sa ngayon, Derek is now officially a Kapuso GMA Network Talent kung saan pumirma siya ng kontrata sa istasyon.
Sa pagkakaalam namin, first project ni Derek sa kanyang bagong mother studio is a primetime teleserye with Jennylyn Mercado.
Reyted K
By RK Villacorta