LAST NIGHT, suot ni Sarah Lahbati ang ”promise ring” na bigay sa kanya ni Richard Gutierrez noong nasa LA sila.
“I think mga four years ago.”
Simple lang ang sagot ni Sarah: “The right time will come (for marriage).”
Walang nararamdamang insecurities na kahit hindi pa sila kasal, nakakatulog ng mahimbing ito na kahit hindi pa siya tunay at legal na asawa ni Richard.
Sa katunayan, at last Monday’s premiere night ng movie niya na ipapalabas na next Wednesday (June 28) ay isang sorpresa ang ginawang pagpapakita ng kanyang kapartner sa nasabing event na mas pinili pa na makasama siya kaysa panoorin ang pilot episode ng bagong teleserye ng Kapamilya Network na La Luna Sangre, kung saan importante ang role na ginagampanan ni Chard bilang bampira na si Sandrino.
Sa pelikulang “Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz” she plays the role of a police woman na ang kamatayan ni Leah ay bahagi ng madidiskubre niyang lihim na partly ay naging bahagi din siya.
Reyted K
By RK VillaCorta