NOON PA PALA dapat pinaplano ni Tom Rodriguez at ng girlfriend niya na si Carla Abellana ang kanilang pagpapakasal.
Kaya nga todo work ang binata na ma-reach ang target budget nila para reding-ready na sila ng girlfriend na magpakasal na long-overdue na rin.
“I need to save more. May mga incidental expenses kasi na dumadating na unexpected pero okey na,” kuwento ng lead actor ng horror movie na “Maledicto” kung saan ginagampanan niya ang role na Fr. Xavi na isang exorcist na dating doctor sa isang mental institution.
Sa relasyon nila ng kasintahan, may usapan sila na sa bubuuhin nilang bahay, kay Carla magmumula ang lupa at sa kanya naman manggagaling ang pagpapatayo ng bahay. In short ay hati sila.
Sabi ng aktor: “Yun ang delegation ng responsibility namin, sa kanya ang lot, sa akin ang bahay,”
Napatawa si Tom nang tanungin namin na nag-propose na ba siya sa girlfriend ng kasal. In short, in-advance na niya ang pag-aya ng kasal sa dalaga.
Natawa siya. “Hindi. Not now. Wala pa, nagiipon pa rin. I want to be ready pagdating ng time na yan. We’re okey at the moment. Busy ako sa work, siya rin busy din sa kanyang trabaho. We work hard for our future,” kuwento niya.
Sa kasalukuyan, may set-up sila ng girlfriend na i-practice nila ang pagle-live-in dahil sa kakulangan ng oras sa isa’t isa. Split pa rin ang gawi nila sa pagli-live-in tulad sa pagpapatayo nila ng bahay. Most the time, sa girlfriend niya si Tom nakatira pero there are times na si Carla nagste-stay sa condo niya.
Very helpful sa dalawa ang kanilang pagli-live-in. Dahil sa kabisihan nila sa kani-kanilang work, malabong magkita sila in a week kung si Tom, after work ay uuwi sa kanyang condo and same with Carla na diretso sa kanyang bahay ay malabong magkita at magkasama sila kahit magkasintahan sila. Ganun ka-busy ang dalawa.
“Kung hind ito ang magiging set-up, kung sa condo ko ako diretso uuwi, hindi kami magkakaroon ng time sa isa’t isa. Sa traffic pa lang, talo ka na, may mga ibang trabaho ka pa.”
Paniwala ng binata na okey para sa kanila ni Carla ang ganitong live-in set-up.
“It really helps na we make time to see each other by going home to where the other person is,” sabi ni Tom
Five years na ang relasyon ng magkasintahan na paniwala ng aktor na sa pagpapakasal na ang tungo ng pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Mabuti na lang and lucky for Tom dahil sa sunod-sunod na projects na binibigay sa kanya ng GMA-Kapuso Network ay nakakapag-ipon siya para sa future nila ng kanyang magiging wife.
Bukod sa Maledicto (showing on May 1), produced ng Cignal Entertainment at FOX Network Group na nasa direksyon ni Mark Meily ay kasisimula lang sa telebisyon ng fantasy serye ng binata na Dragon Lady opposite Janine Gutierrez.
Sa horror movie ng aktor, makakasama niya sina Inah de Belen na gumaganap bilang kapatid niya; si Jasmine Curtis-Smith who plays the role of Sister Barbie; Miles Ocampo as Agnes; Menggie Cobrbarubias as Cardinal Martinez; Franco Laurel as Fr. Jay Cinco and Eric Quizon as Archbishop Delfino.
Napansin ko lang na ang pelikula ay well researched. Promo man or part ng marketing para magkainterest ang publiko, may mga information sila about possesions, different kinds of the devils at ang manifestation ng mga ito na lalong magbubuo ng interest ng manonood sa pelikula.
Reyted K
By RK Villacorta