Kasaysayan Ng Kampanya

SA PAGPASOk ng taong 2016, hudyat na rin ito ng simula ng matinding pangangampanya para sa eleksyon sa Mayo. Ilang araw lang ang bibilangin ay panahon na ng opisyal na pangangampanya. Mas darami pa ang mga political advertisement sa TV, radio, sasakyang pampubliko, at  mga lansangan. Magiging diretso na sa punto ang mga political advertisements na ito at hindi na magpapadaplis-hangin sa nais nilang takbuhang puwesto.

Sari-saring gimik din ang magdaratingan ngayong unang linggo ng bagong taon. Ang isang napakahalaga at sagradong gawain sa estado ay magmimistulang pagtatanghal sa bodabil at moro-moro ng kasinungalingan at siraan sa pagkatao. Ganito ang kalakaran sa panahon ng opisyal na eleksyon dito sa Pilipinas.

Kung babalikan natin ang kasaysayan ng pangangampanya, makikita natin ang paulit-ulit na sistema ng batuhan ng putik at istratehiya ng pagwasak sa kalaban sa pulitika. Kaya nga tuwinang binabanggit na napakarumi ng pulitika sa Pilipinas. Kailangang maging matibay ang sikmura ng isangtaong papasok dito at handang maging mapanira rin kung kinakailangan.

ANG PAGKASILAW sa kapangyarihan at kayamanan ang pangunahing motibasyon ng halos lahat ng mga kumakandidato sa pulitika. Natitiyak kong hindi lalampas sa sampung porsiyento ang may malinis na puso at sinserong damdaming maglingkod sa taong-bayan ang mabibilang natin  sa dalari kung iisa-isahin ang mga pulitiko sa ating bansa.

Kaya naman hindi rin kataka-taka na ang istilo nila sa pangangampanya ay napakasama rin. Hindi na nila isinasaalang-alang pa angpamilya at buhay ng isang kandidatong kanilang wawasakin sa ngalan ng pulitika. Ang sentro ng kanilang isip ay manalo sa kahit anong paraan kahit pa maging mitsa ito ng pagkasira ng buhay, pangalan at reputasyon ng isang kalaban sa posisyon.

Tila mula pa sa panahon nina Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, at Quezon hanggang sa panahon nina Marcos, Cory Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo, at Noynoy Aquino ay nananatili ang ganitong istilo ng siraan at tapunan ng putik ng mga kandidato sa isa’t isa. Ngayon ay hindi na natin tuloy masabi kung ano ang katotohanan sa kasinungalingan sa mga lumalabas sa pahayagan.

SA PAGLAPIT ng buwan ng Mayo ay unti-unti nang lumalabas ang marurumi at lumang taktika sa pamumulitika. Una na sa listahan ang paninira sa pagkatao ng isang kalabang kandidado. Batuhan ng putik ang mas kilalang tawag dito. Si Pangulong Aquino, halimbawa, ay siniraan noong panahong tumatakbo siya sa pagkapangulo. Ginamit ng kampo ni Sen. Villar ang diumano’y record ni PNoy sa Ateneo De Manila hinggil sa pagiging isang special child nito noong nag-aaral pa siya.

Kung babalikan natin ang kasaysayan ay nangyari rin ang siraan na ito sa pagpupulong nina Rizal at mga illustrado sa Europa noong ikalabing-walong siglo habang pinaplanonilaangpagtatatag ng La Liga Filipina. Ito ay isang pulitikal na grupo na ang layunin ay magprotesta sa Espanya, dahil sa kaapihang dinaranas ng mga Pilipino sa Pilipinas. Dahil sa paninira at batuhan ng putik sa pagitan ng mga miyembro, kasama na si Rizal, napilitan siyang mag-walkout sa pagpupulong at tuluyan nang bumalik sa Pilipinas.

Siniraan din si Bonifacio sa ginanap na eleksyon sa Tejeros, Cavite para sa pagluluklok ng pambansang pamahalaan ng lumalagong Katipunan. Naging mitsa rin ito para sa protesta at “walkout” ni Bonifacio sa ginaganap na eleksyon. Kalaunan ay hinatulan siya ng kamatayan ng gobyernong Katipunan at ipinapatay ni Aguinaldo ayon sa ilang mga ekspertong historyador.

HALOS PAREHO rin lang ang tema ng pag-atake, gaya ng kay Noynoy Aquino, ng kampo ni dating Pangulong Ramos noong panahong sila naman ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang magkatunggali sa pagkapangulo noong 1992 national elections. Ipinalabas din ang diumano’y record ni Sen. Defensor na nagkaroon siya ng sakit sa katinuan. Sobrang katandaan at pag-uulyanin naman ang ginamit laban noon sa dating Senate President Jovito Salonga nang lumahok siya sa laban sa pagkapangulo noong 1992.

Sa panahon ng Commonwealth election, ginamit naman ni Pangulong Quezon and issue ng pagpapapatay ni Aguinaldo kay Bonifacio para talunin niya ito sa pagkapangulo ng Commonwealth government. Ipinahanap at ipinahukay pa ni Quezon ang mga buto ni Bonifacio para iparada bilang isang propaganda laban kay Aguinaldo. Pagiging komunista naman ang ginamit ni Marcos laban kay NinoyAquino, sa kabilang dako ay isang maluhong buhay, daan-daang mga sapatos at mamahaling mga alahas naman ang ipinukol sa mag-asawang Marcos.

Angpagiging may bahay at walang karanasan naman sa pulitika ang ginamit noon kay Pangulong Cory Aquino. Ginamit din ang kahinaan niya bilang isang babae, ngunit kalaunan ay nagging lakas at bentahe naman ng mga babaeng sumabak sa pulitika gaya nina Miriam Defensor Santiago, Gloria Arroyo, Loren Legarda, Grace Poe, at Leni Robredo.

ANG HINDI pagtatapos naman sa kolehiyo ang ginamit s amagkaibigang Joseph Estrada at Fernando Poe, Jr. nang sila ay sumabak sa pagkapangulo. Ang isyu ng militarization at martial law ang ginamit laban kay Ramos. Si Arroyo na tumagal sa puwesto nang halos sampung taon ay pinukol ng napakaramingisyu ng pagnanakaw na nagging dahilan ng kanyang pagkakaaresto at pagkakakulong sa ospital hanggang ngayon.

Ngayong eleksyon, ang pagiging berdugo, mamamatay tao umano at criminal ni Davao Mayor Duterte ang isyu laban sa kanya. Ang isyu ng korapsyon ni Binay sa Makati ang krus na kanyang binabata, at pagkatuta ni PNoy at pagiging trapo (traditional politician) naman ang kay Roxas. Samantala, ang pagiging hindi tunay na Filipino ni Sen. Grace Poe at kakulangan sa required residency ang ginagamit ng mga kalaban ni Poe para siya ay pabagsakin mula sa kanyang mataas na rating sa survey. Dahil din dito ay tuluyan nang diniskuwalipika ng COMELEC si Grace Poe bilang kandidato sa pagkapangulo.

 

ANG MGA estilong ito sapulitika ay nakaugat na yata sa ating kultura. Ang tanong lang ay kung nakabubuti ito sa ating lipunan at bansa. Ang bansa natin ay matagal nang pinamumunuan ng mga lider na bunga ng lumang istilo sa pulitika. Kailan kaya it omababago?

Ang Wanted Sa Radyo ay napakikinggan at napanonood sa 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. 

Ang inyong lingkod ay napanonood sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn. 

Panoorin ang T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm. 

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6843.   

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous article2016 man ay dumating, 2015 naman ay huwag limutin
Next articleVice Ganda, top-grosser pa rin ang pelikula sa MMFF

No posts to display