AYAN, IBINASURA na ng Quezon City Regional Trial Court ang kasong Grave Threast na isinampa ng dating mag-asawang sina Raymart Santiago at Claudine Barretto laban sa Tulfo Brothers na sina Ben, Erwin at Raffy.
Ayon sa ulat ng Aksyon Breaking ng TV5, na-dismiss daw ng korte ang naturang kaso dahil daw sa hindi pagsipot ng mag-asawa sa mga hearings ng korte simula nang maisampa ang naturang kaso.
Nag-ugat ang pagsasampa ng estranged couple nang kasong Grave Threats and Serious Oral Defamation nang diumano’y pinagbantaan sila ng mga kapatid ni Mon Tulfo, sa programa nito sa TV5 na T3 Kapatid, Sagot Kita.
Sa episode ng T3 noong May 7, 2012, hindi napigilan nina Raffy, Ben at Erwin na magsalita ng kanilang saloobin laban sa napanood nilang video nang pagtutulungan nina Claudine at Raymart pati ng mga kaibigan nito ang kanilang Kuya Mon last May 6, 2012 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA 3).
Dahil din dito, sinuspinde ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pamumuno noon ni Grace Poe-Llamanzares na ngayon ay isa nang senador.
Tanong lang: noong mga panahong ‘yun, parang napabalita na ring on the rocks na ang kanilang samahan, so marahil, wala na nga silang panahon pang dumalo sa mga hearings dahil may problema na sila sa pamilya? Pero ngayon, pareho silang busy, ha, sa court hearings and this time, laban sa isa’t isa.
HANGA KAMI sa kabutihan ng puso ni Charice, huh, dahil gumawa ito ng concert para sa mga biktima ng lindol sa Bohol. Isa itong kawang-gawa na dapat pinapurihan dahil hindi naman lahat ng mga singers natin ay naglalaan ng kanilang mga panahon para sa mga ganitong klaseng charitable event.
Hindi kami nakadalo sa concert pero base sa napanood namin sa telebisyon, napaka-energetic ng ‘The Most Talented Girl In The World’ sa kanyang performance. Guest pa niya ang kanyang special someone na si Alyssa Quijano.
Ipinakita rin ni Charice ang kanyang bagong tattoo sa kanyang braso na ang nakasulat ay letter ‘A’ for Alyssa.
Well, sana magtagal talaga ang pagsasama nilang dalawa.
NAIS LANG naming batiin ang pamunuan ng Radyo Singko, 92.3 News FM dahil sa linggong ito ay isi-celebrate ng istasyon ang kanilang 3rd anniversary.
November 8, 2010 nang nagsimulang umere (ang AM format sa FM) ang mga programang kinagigiliwan na ngayon ng listeners (maging ng viewers, dahil may Aksyon TV Channel 41 na rin ito).
Isa na nga rito ang kinabibilangan naming show na Cristy Fer Minute na pinamumunuan siyempre ng aming nanay-nanayan sa showbiz na si Nanay Cristy Fermin, katuwang sina Richard Pinlac at Elmer Reyes.
At sa lahat ng mga CFM lovers na palaging nakatutok sa amin, maraming salamat po. Congratulations and happy third anniversary Cristy Fer Minute!!!
Sure na ‘to
By Arniel Serato