NAGSIMULA sa isang blind item hanggang eventually ay pinangalan na rin na si JM de Guzman ang actor na tinutukoy na sasampahan ng kasong “frustrated murder” ng isang Pitt Norman Zafra.
Isinampa ang naturang kaso laban kay JM at sa isa pang indibidwal sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City.
Base sa statement, nauna nang nagsampa ng reklamong “Physical Injuries” si Mr. Zafra laban sa aktor at sa kasama nito at iniatras na ang complainant na “Physical Injuries” noong August 8, 2019.
As expected, ikinagulat ni JM ang pagsampa ng mas seryosong reklamo ni Mr. Zafra laban sa kanya, na base lang sa parehong “factual circumstances” at reklamong iniatras na nito last month.
Hindi naman maiwasan na dahil sa panibagong complaint laban kay JM ay hindi maging fair para sa aktor na ma-preempt ang proceedings dahil na rin sa pagkakalat ng negative publicity ng kampo nina Mr. Zafra.
Ayon sa kampo ni JM, confident sila na merong sapat na evidence (testimonial at electronic) si JM na magpapatunay na inosente siya sa mga charges ni Mr. Zafra laban sa kanya na nagsimula daw ang lahat nang magpa-picture si Mr. Zafra at ang “wife” nito kay JM.
Kaugnay nito ay nag-isyu naman ng official statement ang mga abogado ni JM para depensahan ang aktor.
“On behalf of JM de Guzman, we would like to inform everyone that there are reports circulating that a certain Pitt Norman Zafra recently filed a complaint for Frustrated Murder against JM and another individual at the Office of City Prosecutor in Quezon City.
“In the Complaint-Affidavit of Mr. Zafra is actually a rehash of a previous complaint he filed for ‘Physical Injuries’ which he withdrew before the City Prosecutor Office in Quezon City, August 9, 2019.
“We are confident that JM has the necessary evidence, both testimonial and electronic to prove his innocence. JM will most certainly file counter charges against Mr. Zafra,” bahagi ng kanilang pahayag.
La Boka
by Leo Bukas