NOONG SABADO, March 3, ipinalabas sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 ang latest tungkol sa kasong libelo na isinampa nina Mayor Patrick Meneses at Mayor Enrico Roque laban kay Aiko Melendez at na-dismiss na nga raw ang kaso. Matatandaang malaking balita noong Abril nang nakaraang taon ang pagsampa ng demanda ng dalawang mayor dahil sa diumano’y mapanirang direct messages (DM) sa Twitter tungkol sa diumano’y sekswalidad nila.
Ani Aiko, “Kasi nag-motion to transfer kami from Bulacan to DOJ and then we got a resolution that the case was dismissed nu’ng November pa, kaya lang hindi pa namin nakukuha ‘yung copy ng resolution na ‘yun kaya we’ll be back on the 14th to finalize everything.”
Dagdag pa ni Aiko, “Sana tuluy-tuloy na. I’ve always said this naman na rito sa kasong ‘to, wala naman ‘yung talo, kung sino ‘yung nagsasabi ng totoo. Ang mabuti rito, is ‘yung parehong party is matutunan na namin ng pansin ‘yung dapat naming pagtuunan ng pansin.”
Inamin naman ng Nandito Ako star na sobrang hassle ang naidulot nito sa kanya. At umasa siya na sana ay maging maayos na ang lahat.
Pagpatuloy pa niya, “Aminin man natin o hindi, sobrang hassle at perhuwisyo ng oras ‘yung pagpunta sa kung saan-saang korte. At sina Mayor Patrick at Mayor Roque ay mga abalang tao rin, mag-eeleksiyon na and lahat kami ay magi-ging busy na. Sana matapos na lahat ‘to.”
Masaya namang ikinuwento ni Aiko na maayos pa rin ang relasyon niya at sa kanyang mga dating asawa. “Ever since naman, maganda ang pagkakaibigan namin ni Jom (Jomari Yllana) and even with Martin (Jickain), my ex-es. I’m totally cool with them kasi mga tatay ‘yan ng mga anak ko, eh. At saka naiintindihan nila na kung anumang pagsubok ang dadaanan ko, confident ako na meron akong dalawang lalaki na espesyal sa buhay ko na tatayo at maninindigan para sa akin.”
Dagdag pa nito, “Para sa amin ni Jom, second lang ba? Third? I don’t know. Marami talagang naniniwala at nagho-hope na baka ending kami pa rin. Who knows? Pareho naman kaming single, eh. Ako, I’m not seeing anybody and as far as I know and I hope ‘til this day, wala pa rin siyang kinikita, so who knows? Kami, ayaw naming madaliin basta’t ang importante rito, maganda ang relasyon namin.
Sa kabilang banda, masaya rin si Aiko sa pagsuporta ng mga Pinoy sa mini-seryeng Nandito Ako ng TV5.
LIKAS NA mahilig sa pagkanta ang mga Pinoy kaya naman dinumog talaga ng ating mga kababayan ang audition ng Kanta Pilipinas, ang ‘biggest musical reality talent search ng bansa na malapit nang i-ere sa TV5.
Kitang-kita namin ito sa video na napanood namin na sa unang linggo pa lamang ng audition ay marami talagang mga Kapatid natin mula sa Cagayan de Oro ang nagpakita ng kanilang katangi-tanging talento sa pagkanta.
Noong nakaraang linggo naman sa Cebu ay dagsa pa rin ang mga Kapatid nating nanga-ngarap na maging singing champ ng bansa. Kaya sa mga nais sumali sa Kanta Pilipinas,’ sugod na sa mga audition ng show sa mga sumusunod na petsa at lugar: March 10- SM Davao; March 16- SM Baguio; March 23- SM Iloilo; March 30- SM North Edsa; at April 20- SM Batangas
Kanta na mga Kapatid!!!!
Sure na ‘to
By Arniel Serato