NAGTATAKA lang ako kung bakit bigla nabuhay ang isyu kay Vhong Navarro na nang-rape diumano ito. Viral si Vhong at ang ‘rape’ isyu niya ngayon sa Twitter at iba pang social media platform.
Kung maalala pa, naging malaking balita sa showbiz ang pagsampa si Deniece Cornejo ng reklamo laban sa komedyante-TV Host sa diumano’y panghahalay sa kanya ni Vhong na sa kasamaang palad, natalo ang kampo ni Deniece sa kaso na isinampa nila.
Bukod ay Deniece, nagreklamo din ang isang nagngangalang Roxanne Acosta Cabanyero, na isang former beauty pageant contestant na nakilala ni Vhong noong 2010 na sumali sa isang segment ng noontime show na It’s Showtime na co-host ang komedyante.
Bukod kay Cabanyero, mayroon din isa pa nag-akusa kay Vhong na isang lesbian and stunt double na nagngangalang Margarita Fajardo.
Ayon sa reklamo ni Fajardo, inakusahan niya si Vhong noong 2009 nang puwersahin siya nito na isubo ang private part nito sa loob ng SUV ng komenyante during a taping break ng TV series na “I Love Betty La Fea” kung saan bida si Bea Alonzo at kasama sa regular cast si Vhong.
Both cases nina Cabanyero at Fajardo ay natalo sa korte.
Ang DJ at celebrity endorser at socmed influencer na si Kat Alano ay muli naging visble sa usaping rape sa naranasan niya sa isang male celebrity na sikat na currently ay napapanood sa telebisyon na hanggang ngayon ay ayaw pa rin niya pangalanan for reasons na siya lang ang nakakaalam.
Madami ang humuhula. Madami ang naga-assume kung sino ang male celebrity na tinutukoy ni Alano pero ang publiko ay may idea na kung sino ang pinapatungkulan ni Alano.
Balita ko lang, muli bubuhayin ang kaso ni Vhong na isinampa nina Cabanyero at Fajardo. Kahit natalo ang kaso, mayroon pala 20 years ang nagreklamo at pwede muli buksan ang kaso nila laban kay Vhong na ang tawag ay statute of limitations as long willing ang mga biktima na buksan muli ang kanilang kaso.
Kung kailan papangalanan naman ni Alano kung sino ang rapist niya ay gusto ko malaman. At diretsahan. Basta ako, ang stand ko ay #NoToRape. #NoToViolenceAgainstWomen.