I’M SURE, aware naman si Kat Alano na kung maraming nakikisimpatya sa kanya dahil sa kanyang claim na ni-rape siya about 10 years ago, marami rin ang kumokontra sa kanyang pagpo-post sa facebook para maiparating sa DOJ ang kanyang hinaing.
Eh, pupuwede ba ang DOJ sa pa-blind item complaint niya? Ba’t hindi niya diretsuhin? Banggitin na niya ang pangalan ng diumano’y nang-rape sa kanya kung talagang siguradong na-rape siya, ‘di ba?
Kesa idinaraan niya sa blind item ang kanyang kampanya, mas naaartehan sa kanya ang mga kapwa niya babae rin.
Hindi tuloy maiwasan na may mag-isip na may nagpapatakbo ng kanyang reklamo at hindi niya ito sariling gusto.
May mga anak din kami, pero ididiretso namin ang pagrereklamo sa awtoridad para humingi ng hustisya kahit napakabagal ng proseso ng hustisya dito.
Saka ‘asa’n ba ang parents ni Kat? Ba’t tila siya lang ang nakikipaglaban para sa kanyang hawak na katotohanan?
Wala ba siyang moral support man lang na nakukuha sa parents niya o kahit sa kapatid niya?
O, ang dahilan ng mga tanong namin ay mananatili na lamang blind item?
Anak, ipagbanduhan mo na at sampahan mo na agad ng kaso. ‘Wag ka nang mag-blind item. Hayaan mo na sa akin ang blind item, ha?
Oh My G!
by Ogie Diaz