LIKE AN intimate sex where no voyeurs are allowed, sinadyang hindi pinahintulutang magkaroon ng access ang entertainment media to the recent meeting among the officers and members of PAMI (Professional Artist Managers, Inc.).
Nitong Huwebes, May 2, ginanap ang pulong kung saan ang agenda ay sumesentro sa suporta ng mga kinatawan nito sa kaso ng kanilang kabaro, si Popoy Caritativo na nilayasan ng kanyang alaga of seven years na si Marian Rivera.
Sa inyong lingkod naitoka ang feature na ito para sa nakaraang episode ng Startalk (May 4), early on kasi ay meron nang mga binitiwang opinyon ang ilan sa mga alaga ni Popoy tulad ni Dennis Trillo regarding Marian’s decision. The PAMI meeting, being the umbrella story that would ideally cascade sa mga saloobin ng ibang mga artistang hawak ni Popoy, became no source from which a story could have been made. Fine.
Maaaring desisyon o pakiusap na rin ‘yon ni Popoy that no media coverage nor intervention got in the way sa kanyang pakikipagpulong sa kanyang mga kapwa manager. But why the stance?
Meron din bang dapat sagutin si Popoy as far as Marian’s reason for leaving his stable is concerned? Ano itong narinig namin that behind the string of negative publicity slants against Marian’s boyfriend Dingdong Dantes ay si Popoy umano ang itinuturong utak nito?
But come to think of it also, parang wala namang kanega-nega sa imahe ni Dingdong, sa totoo lang. To us, Dingdong is one spotless actor na bukod sa mahusay na ay professional pa. All these years, not a single minus point can be attributed to Dingdong bilang tao at bilang artista.
Consistent with our stand, napaka-unprofessional of Marian to have severed her business ties with Popoy sa pamamagitan ng isang liham considering their seven year-old manager-artist relationship. Worse, ang claim ng aktres na hindi na raw siya nagiging productive.
Helloooo! Katatapos lang ni Marian ng isang Pinoy adaptation ng isang Koreanovela that began and ended with consistently top ratings, then here she is talking about her non-productivity?!
Ano ba talaga, ate? Productivity o reproductivity?
UNDERSTANDABLY, THE cheer leader behind the administration’s 12 senator-wannabes is no less than President Noynoy Aquino (kesehodang may ilan doon na alam niya—in his heart of hearts—ay laglag sa darating na eleksiyon).
For P-Noy to target 12-0 in favour of his anointed ones is a sheer display of overconfidence.
Buti na lang, ang sobrang kumpiyansa na ‘yon ng Pangulo is tempered by his sister Kris Aquino. Bagama’t walang tinutukoy si Kris as to who among her brother’s Magic 12 ang kanyang ililigwak, at the risk of putting the cart before the horse ay obvious naman kung sino sa hanay ng mga senatoriables sa ilalim ng UNA ang mas gusto niyang suportahan.
We can only think of at least two senatorial candidates sa ilalim ng UNA ang tahimik na sinusuportahan ni Kris, political betrayal na kung political betrayal mang tawagin ang pagsalungat niya sa pantasyang sweeping 12-0 votes in favour of her brother’s administration bets.
Una siyempre sa listahan ni Kris ay si Nancy Binay, and why? Nancy’s brother is Junjun Binay na minsan nang na-link kay Kris kundi man muntik na niyang makatuluyan. But for some reason, the widower and the separated would not blend.
Pangalawa sa palihim ding inaalalayan ni Kris ay si JV Ejercito, and what’s the kunek? Sometime ago, nasaksihan ng mundo ng showbiz-politics ang pagkakaibigan sa pagitan ni Kris at ni dating Pangulong Joseph Estrada, with the latter’s son Jinggoy “constructing” the bridge of friendship.
Dalawa lang sina Nancy at JV sa ‘ika nga’y aampunin ni Kris to her orphanage of senatorial favorites, which means, two out of 12 na inilalakong parang paninda sa talipapa ng kanyang Kuya Noynoy ang kanyang ililigwak.
Who can those two be?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III