OLA CHIKKA now na! Na-kakaloka kaya isinulat ko siya ngayon dahil natuwa talaga ako sa kanya sa pagi-ging prangka niya at wala ring katakut-takot na sumagot sa mga tanong ko, kahit very controversial sa aking programa sa DZRHTV noong nakaraang Linggo. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na isulat siya.
Sa nakaraang launching ng KATE TALKaCTIVE on Studio 23, agad nakapasa si Kate Coseteng sa panlasa ng press as a TV host dahil bukod sa pang-showbiz nitong dating ay very pleasant, hindi nakaka-intimidate, walang kiyeme sa katawan at magaan ang rapport sa audience.
Base sa kanyang pananalita, bukod sa very lively siyang makipag-interact sa kanyang audience, her show fits her to a ‘T’ dahil talkative siya talaga as what the title of her show suggests.
Pagdating naman sa kagandahan, hindi siya kukunin ng Calayan Surgicenter as celebrity endorser for nothing. Aminin, ka-level nito sa ganda sina Kristine Hermosa, Cristine Reyes, Maricar Reyes at Bea Alonzo. In short, pang-commercial model ang dating nito at puwede ring sumabak sa teleserye.
“Hindi ako marunong umarte! Hehehe… magwo-workshop muna ako,” patawang sambit ng Calayan celebrity endorser.
Kate Abigael Galang-Coseteng in real life ay nasa pangatlong termino na ngayon bilang konsehala ng Valenzuela City at ayon sa kanya, she has to take a rest as a public servant to give time to her family. Lumalaki na ang kanilang mga anak ni Quezon City Councilor Julian Coseteng, kaya nararapat na bigyan ang mga ito ng panahon na gabayan sa kanilang paglaki.
But on the side, tuloy pa rin ang kanyang pagpa-public service by hosting KATE TALKaCTIVE show which will have its pilot show on Saturday, August 25 at 10:00 am.
Ang TALKaCTIVE ay maglalarawan ng mga problema ng mamamayan at ng bayan na hahanapan ng solusyon bago matapos nasabing palabas. The show is in Tagalog-English languages ang this is a take-off from he shows Oprah Winfrey, Ellen De Generes and locally, KrisTV. Nakatuon ang show sa political issues, social concerns, women and men issues, and the youth. Tatalakayin dito ang totoong buhay, adbokasiya at mga kaganapan sa sosyedad kung saan may matutunan ang mga manonood sa mga pahayag ng mga guest. Isang paraan din ito para mapag-isipan nila ng malalim ang bawat isyu na tinalakay sa programa.
Puwedeng sabihing hindi ‘coincidental’ na siya ang gagawing pantapat kay Shalani Soledad-Romulo dahil pareho silang inconvent councilors at iisang siyudad ang kanilang pinaglilingkuran, Valenzuela City. Kahit naman noong last election, neck-to-neck ang labanan nila sa top post ng councilorship. At ngayon, papasok na rin siya sa showbiz kung saan, nauna si Mrs. Romulo, gustuhin man o hindi, sila talaga ang ‘swak’ na magtapat.
On showbiz backgroud, inamin nitong nakapasa siya sa audition ng Star Circle ng ABS-CBN, “Hindi ko lang alam kung anong batch ‘yun. Basta sinundan namin ang batch nina Diether Ocampo. I remember sa batch namin, walang nabalitang sumikat.”
Obviously na gusto nitong mag-artista pero mas sinunod nito ang gusto ng kanyang daddy na magtapos muna ng pag-aa-ral. But, naiba ang ihip ng hangin, pagka-tapos nitong mag-graduate ng Business Management sa Sienna College, pumasok na ito sa pulitika. At ngayon, papasukin na nito ang mundo ng showbiz via her TV show on Studio 23, matutupad na rin ang kanyang first love at talagang hindi nito maiiwasan na muling mag-cross ang kanilang daan ni Shalani, now a host of Game ‘N Go of TV5.
PITIK-BULAG: Sino itong sexy star noon na talagang sumikat noon at bongga ang kanyang career? Nakakaloka lang nga-yon ay may mga bali-balita na tiboli na raw ito or puwede nating sabihin na tomboy na siya.
Ang eksena kasi, nabalitaan natin sa mga kaparazzi natin na todo-bigay na siya ngayon. Nang malaman kong tiboli na siya ngayon, nalurky talaga ako at nagulantang.
Ang taray! Dati kung umarte ay ubod ng kalandian. Hahaha! At pagpapa-sexy lang ang alam gawin. Kaloka! Sino siya?
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding